^

PSN Showbiz

Siya lang ang makapagsasabi kung babalik ang aktres o hindi, pahayag ni Charo tungkol kay Claudine hintayin

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Hindi lang pala si Sunshine Cruz ang hindi na guma­gamit ng apelyido ng kanyang asawang si Cesar Mon­tano kundi maging si Claudine Barretto rin na inilaglag na ang apelyido ni Raymart Santiago sa kanyang pangalan?

Baka nga naman mas madali silang maka-move on kung babalik sila sa orihinal nilang pangalan kaya hayaan na natin sila. Kapag naman nagkabalikan sila ay wala silang choice kundi gamitin muli ang apelyido ng mga asawa nila.

Sabi nga pala ng isa sa mga bossing ng Dos na nakausap ko tungkol sa sinasabing pagbabalik ni Claudine sa ABS-CBN ay hintayin na lang daw ang opisyal na pahayag ni Charo Santos-Concio at ’yun na ang paniwalaan.

Si Ms. Charo rin ang nagsabing hindi babalik ng Dos si Willie Revillame.

Pisikalan ng mag-inang Gretchen at Inday nakakaiyak

Sa kabila ng pag-aaway ng mag-inang Gretchen at ng kanyang inang si Inday Barretto, marami ang nagdarasal na magkasundo na sila o kaya ay umiwas na mapalala pa ang stiwasyon nila. Hindi raw baleng mag-aaway-away ang magkakapatid pero iba kapag anak at magulang na ang nag-aaway. Parents should protect their children and vice versa. Sila ang dapat magtulungan at hind yung nag-aaway.

O kaya kung hindi maiwasan dapat they not should do it in public. Hindi normal sa akin ’yung nagkakasakitan ang parents and children na dapat sila ang nagpoprotektahan sa isa’t isa. Nakakaiyak.

Angelica tinatrabaho na ang pakikibagay sa angkan ni John Lloyd

’Yun ang maganda kay Angelica Panga­niban, tinatrabaho niya ang maka-close ang pamilya ni John Lloyd Cruz. Dun din lang naman sila patungo ni JLC kaya ngayon pa lamang ay nagsisimula na siyang makabagayan sila para walang problema kapag nag-decide silang pakasal na ng boyfriend niya.

Magkakasama nilang pinanood ang It Takes a Man and a Woman kaya magkakasama rin silang nasiyahan. At hindi lamang ang parents ni John Lloyd ang nakasama niya kundi pati na ang mga kapatid nito at pinsan. Ginawa rin kaya ito ni Angel kay Derek Ramsay?

vuukle comment

ANGELICA PANGA

CESAR MON

CHARO SANTOS-CONCIO

CLAUDINE BARRETTO

DEREK RAMSAY

GRETCHEN

JOHN LLOYD

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with