Hindi na tuod Akting ni Aljur, may lalim na
MANILA, Philippines - Malaki na nga ang ipinagbago ni Aljur Abrenica pagdating sa aktiÂngan. Dahil sa pagiging bahagi niya ng epicseryeng Indio ng Kapuso Network ay mukhang nahasa siya sa drama.
Ayon pa sa mga ilang showbiz observer, pinupuri nila ang pagganap ni Aljur bilang Bagani dahil nakikitaan nila ito ng lalim at sinsero pagdating sa pakikipagsabayan sa kanyang mga co-actors sa nasabing palabas.
Ngayong Sabado, ay mapapanood rin ang aktor sa kanyang pinakamapangahas na karakter na gagampanan sa telebisyon. Bibigyan niyang buhay ang kuwento ni Kristoffer King sa episode ng Magpakailanman na Bayarang Adonis.
At least nagbunga ang mga pamumuna kay Aljur. Imbes na mawalan siya ng loob, ginamit niya ang mga pamimintas para galingan niya ang pag-arte na ngayon nga ay napapansin na.
Maalalang inalipusta to the highest level ang acting niya nang magkaroon siya ng sariling serye, Machete.
Buti na lang at hindi nagpatalo ang actor.
Annaliza todo-workshop
Matapos i-anunsiyo ng ABS-CBN na si Andrea Brillantes ang siyang magbibida sa remake ng hit 80s classic soap opera na Annaliza, puspusan na ang paghahanda ng susunod na teleserye princess para sa kanyang role.
Sa ginanap na promo shoot ng teleserye kamakailan, bakas sa mukha ni Andrea ang saya sa kaniyang pakikisalamuha sa mga batang taga-Navotas. Para sa batang aktres, makakatulong ang pakikihalubilo niya sa mga ito nang sa gayun ay mas maunawaan pa niya ang kanyang papel bilang si Annaliza na lumaki sa isang fish port.
Maliban sa nasabing karanasan ni Andrea, sumailalim din siya sa mga workshop ng mga batikang mga direktor at mentors sa industriya.
Ang Annaliza ay isang family drama tungkol sa isang batang puno ng pagmamahal sa kanyang puso at bagama’t inaapi, ay patuloy na kumakapit at nananalig sa Diyos.
Makakasama ni Andrea sa Annaliza sina Zanjoe Marudo, Kaye Abad, Denise Laurel, Patrick Garcia, at Carlo Aquino pati na ang rising teen sensations na sina Khalil Ramos, Sue Ramirez at Kiko Estrada.
Ethel at Krista Miller nag-aagawan ng eksena
Patuloy ang pag-eksena ng self-proclaimed “diva†ng Boracay Bodies na si Ethel Booba. Ngunit malakas din mang-agaw ng atensiyon si Krista Miller kaya naman major imbyerna si Ethel. “Matagal na ako sa mga reality show kaya alam ko kung totoo ‘yan o hindi!†ang mariing sabi ni Ethel laban kay Krista.
Ito naman kasing si Krista, bigla na lang nagsisigaw habang nasa party kasama ang ibang Boracay Bodies party people.
Lahat tuloy ng mga kasama nila kabilang sina Wendy Valdez, Joross Gamboa, Helga Krapf, Victor Silayan at Brent Javier, nataranta kay Krista pati na ang host na si Phoemela Baranda. Sa inis ni Ethel, naisip nitong huwag matulog sa kuwarto nila upang maiwasan ang roommate na si Krista.
Friendship Over na kaya ito para kina Krista at Ethel?
Alamin din kung sino sa kanila ang mapapa-atras sa cliff jump dare at sino ang magkaka-asaran sa rum pong challenge.
Tutukan ang Boracay Bodies ngayong Sabado, 9:00 PM sa TV5.
Biyahe ni Drew nasa singapore!
First out-of-the-country trip ng travel show ng GMA News TV na Biyahe ni Drew ngayong Biyernes at kauna-unahang pinuntahan ng grupo ay ang tinaguriang Lion City ng Asia, ang Singapore!
Pinag-iipunan at pinaplanong mabuti ang trip to Singapore kaya naman kailangang sulitin ang biyahe rito. No worries dahil action-packed at adventure-filled ang 48-hour trip ng ultimate biyahero na si Drew Arellano sa nasabing lugar.
Sinasabing melting pot ng iba’t ibang kultura ang Singapore. Dahil dito, maraming kultura rin ang naka-impluwensiya sa Singaporean cuisine.
Kaya naman must-do ang pagpunta sa hawker stalls para namnamin ang iba’t ibang putaheng naghihintay para sa mga mahilig kumain! Mula sa Singaporean national dish na Hainanese Chicken Rice, malinamnam na Kway Teow at maanghang na Bah Ku Teh, hanggang sa maasim na Laksa at kakaibang lasa ng Rojak, walang uurungan si Drew.
Para sa Biyahero Run, libreng mapapasyalan ni Drew ang iba’t ibang sikat na landmarks ng siyudad. Nariyan ang Marina Bay Sands Skypark na hugis-yate mula sa malayo. Kapansin-pansin din ang Helix Bridge at ang mukhang-Durian na Esplanade. At siyempre pa, Drew’s run will not be complete without seeing the world-famous symbol of Singapore, ang Merlion.
Kilala rin ang Singapore dahil sa makulay at maingay na nightlife nito. Sa pagpasyal ni Drew sa Clarke Quay na sinasabing most happening place sa Singapore, susubukan niyang gumawa at uminom ng famous mixed drink na Singapore Sling.
Pero para sa mga hindi mahilig uminom, merong mas exciting na alternative sa gabi: ang pagsakay sa extreme ride na GMAX. Bago sumakay, may kaunting pag-aalangan si Drew. “The first part, yun ang medyo the tough part eh. ‘Yun ang tipong it’s going to last forever paakyat… ‘yung tipong sobrang bigat ng weight sa chest mo na hindi ka na makaÂhinga, parang tatalon ka sa cliff tapos mauubusan ka ng hininga…tapos nahuhulog ka pa rin, feeling ko ‘yun ‘yon.â€
Mapapanood ang Biyahe ni Drew sa Biyernes, 10:00 PM sa GMA News TV.
- Latest