^

PSN Showbiz

Sa TV host kukunin ang gagamiting cell Joshua ipapa-stem cell ni Kris

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi lamang ang pagpapa-stem cell sa panganay niyang si Josh ang pagtutuunan ng pansin ni Kris Aquino ngayong pinayagan siya ng ABS-CBN na makapamahinga sa kanyang trabaho.

Inamin ng presidential sister sa kanyang programa nung Martes ng umaga na hindi lamang niya gagastusan ang napakamahal na treatment ng kanyang anak, siya pa rin ang magdo-donate ng cell na gagamitin dito. “Mas effective kung sa nanay mismo manggagaling ang cell. Kaya kailangan andun ako kasama niya all the way. Ayokong dumating ang araw na may paraan pala para mag-improve ang buhay ng anak ko, pero hindi ko ginawa.”

Hindi naman niya ito basta papayagang isagawa sa kanyang anak na may Attention Deficit Hyper Activity Disorder o ADHA. Nakita na rin niyang sinagawa ito sa anak ng isang kaibigan na may kaparehong sakit ni Josh pero malaki ang naging improvement sa speech at eye contact matapos ang treatment.

Sa Singapore ipapa-stem cell ni Kris si Josh na malapit nang mag-18 taong gulang.

Cayetano brothers hindi nag-iiwanan

Talagang nagtutulungan ang magkapatid na Cayetano na sina Allan Peter na tumatakbong reeleksyunistang senador ng bansa at ng direktor sa TV na si Lino na pansamantalang iniwan ang kanyang napakamatagumpay na karera sa TV para tumakbong Congressman sa Taguig. Kasalukuyan itong Kapitan ng Barangay ng The Fort.

Kasama ni Sen. Allan Peter ang bunso niyang kapatid nang humarap ito sa pa-presscon ni Mother Lily Monteverde na binubuo ng entertainment media. Nung una namang ipinahayag ni Direk Lino ang kanyang layuning tumakbong congressman ay kasa-kasama niya ang kanyang kuya Allan na humarap at nagpaalam sa entertainment media.

Bentahe siguro ng Team Pnoy candidate ay ang istratehiya niyang “talk less listen more”.

Inamin ng reeleksyunista na bagaman at nasisiyahan siya sa pag-angat sa survey pero ang totoong survey daw ay magaganap sa eleksiyon mismo na kung saan lalabas ang tunay na pulso ng bansa.

Alex hindi umaasang reyna agad

Hindi naman siguro inaasahan ni Alex Gonzaga na magrireyna agad siya sa Kapamilya Network. Kabagu-bago pa lamang niya sa istasyon. Isa pa marami siyang dinatnan sa ABS-CBN na mas naunang ‘di hamak sa kanya kasama ang kanyang kapatid na si Toni Gonzaga. Sila muna bago siya!

I’m sure aware naman dito si Alex. Nagpapasa­lamat na lamang siya na nakapasok siya agad sa kumpanya at ngayon pa lamang ay may inihahandang programa para sa kanila ni Toni.

Lovi hindi nakayang talikuran ang GMA

Hindi rin iniwan ni Lovi Poe ang istasyong nagpakilala at nagpasikat sa kanya nang husto, ang GMA 7. Kaya raw may tampo sa kanya ang mga namumuno ng TV5 dahil talagang inupuan nila at pinagplanuhan ang gagawin nitong paglipat sa kanila. Pero sa halip na lumipat ay mas pinili ng anak ni Da King na manatiling Kapuso.

Mas nakakatampo ‘yung diumano ay binitawang salita ni Lovi na mas gusto niyang magtrabaho sa ABS-CBN kung lilipat din lang siya. Ano kaya ang reaksiyon dito ng manager niya na sinabing ‘moved heaven and earth’ para lamang makuha niya ang mas magandang kontrata sa Kapatid Network, pero nanaig pa rin ang kagustuhan ng aktres na manatili sa Siete.

Kim takot mawala ang iniregalong hikaw at singsing ni Xian

Isang pares ng hikaw at singsing ang regalo ni Xian Lim nung 23rd birthday, Kim Chiu, pero hindi ito ang suot-suot ng may birthday nung pa-party niya sa kanyang fans na ginanap sa isang kainan sa Morato. “Hindi ko isinuot. Baka mawala sa kaguluhan eh tini-treasure ko dahil napakaganda ng dedication na isinama ni Xian,” anang may birthday na talagang pinaghandaan ang okasyon na ‘yun para sa mga fans niya na hindi siya iniwan at sinamahan siya through thick and thin.

Lahat ng umuwi ay may bitbit na loot bag, ‘yung mga nanalo sa parlor games, nabigyan ng cash, pero pinaka-importante, nagkaroon sila ng isang masayang selebrasyon ng birthday ng idolo nila.

vuukle comment

ALEX

ALEX GONZAGA

ALLAN PETER

KANYANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with