Labi ni Ritz Azul nadonselya ni Derek!
MANILA, Philippines - Si Derek Ramsay ang nakadonselya sa labi ni Ritz Azul sa fantaserye niyang Kidlat. Kung dati ay may ilang factor sa kanila, naging kampante na sila sa isa’t isa nang makunan ang kanilang laplapan.
“Bago ’yung scene lagi niya akong kinukumusta. ‘Punta ka rito sa tent. Usap tayo.’ Mga gano’ng bagay. Binibiro nga kami dito ng staff. Dapat daw mag-rehearse kami. Hahaha! Hindi. Biro lang,†pagbubuking ni Ritz nang makausap namin sa taping.
Kumusta namang kahalikan sa screen si Derek?
“Nung first, siyempre, kinakabahan ako. Oo inaamin ko goosebumps nga ako dahil ’yun ’yung time na nagdikit na ang labi namin. Parang mixed emotions na.
“Sabi ko kay Direk, ‘Direk, hindi ako marunong. Paano ba ’yon?’ ’Tapos, parang sabi ni Direk, “Basta tanggapin mo na lang!’ Hahaha! So, tanggap na lang ako. Receiver lang!†pahayag pa ng aktres.
Paano ba humalik si Derek?
“Malambot ’yung labi! ’Yun lang!†sagot niya.
“Hindi naman namin ginamit ang dila so cinematic lang talaga. Hahaha!†bulalas ni Ritz.
Wala namang naging bashers si Ritz after ng halikan. Marami pa nga raw ang natuwa sa ginawa niya dahil patunay na babae na siya.
First kiss niya sa buong buhay niya si Derek sa edad niya ngayong nineteen years old.
“Yeah, yeah! Sa buong buhay ko. Nang malaman niya na magkakaroon kami ng kissing scene, ‘Oo, first kiss ko nga,’ sabi ko. ’Tapos lagi na niya akong inaasar para mawala ang nerbiyos ko.
“Oo nakakatuwa at siya ang nakauna dahil Derek Ramsay siya. Proud! Oo naman hindi ko makakalimutan ’yon!†pagmamalaki ni Ritz.
Jack Enrile pinaliligiran ng mga kamag-anak sa showbiz
Malapit sa showbiz si Congressman Jack Enrile dahil ilang dekada na ring involved ang mga kamag-anak niya sa pelikula’t telebisyon. Ang mga relative niyang bahagi ng showbiz ay sina Armida Siguion Reyna, Chito Ponce Enrile, at iba pa.
“Ako lang siguro ang wala sa showbiz dahil hindi ako ganoon kagandang-lalaki. Hindi tayo uubra. Kaya hindi tayo masyadong na-expose sa showbiz,†biro ng kandidato.
“Pero kahit paano, malapit na malapit ang industriya sa ating pamilya.†panimula ni Manong Jack nang humarap siya sa entertainment press kahapon sa Annabel’s resto bilang suporta sa kanya ni Senador Jinggoy Estrada.
Kaya naman daw hindi nagsisimula sa pulitika at nagwawakas sa eleksiyon ang pakikitungo niya sa press.
“Unang-una, all of you are welcome at my home anytime. If I make it to the Senate you can drop by anytime sa ating opisina.
“With regard to our industry, the industry needs help. Kulang ang incentives at tulong kaya asahan ninyo ako riyan,†pahayag ni Congressman Enrile.
- Latest