Robin umalma sa report ng GMA 7 kahit nanalong Best Actress, Angel hindi pa rin mabanggit ang pangalan sa GMA
SEEN: Habang umiiyak si Kim Chiu sa The Buzz noong Linggo.
Lumuha rin si German Moreno sa H.O.TTV dahil naalaala niya ang mga tao na tumulong sa kanya noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.
SCENE: Magaganap ngayong gabi ang 50th showbiz anniversary celebration ni German Moreno sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.
Walang taping ang mga artista ng Kapuso Network dahil imbitado sila sa big night ni German.
SEEN: May surprise birthday party para kay Regine Velasquez
noong Lunes. Idea ni Ogie Alcasid na sorpresahin ang kanyang asawa sa 43rd
birthday nito.
SCENE: Hindi binanggit sa report ng 24 Oras na si Angel Locsin ang nanalo ng best actress award sa 61st FAMAS Awards dahil talent na siya ng ABS-CBN.
Mapapanood sa GMA 7 ang FAMAS Awards sa Linggo, April 28.
SEEN: Hindi nagustuhan ni Robin Padilla ang pagsasabi ng “Muslim†ni GMA 7 reporter JP Soriano sa ulat nito tungkol sa pagkakahuli kay Dzhokar Tsarnaev, ang suspect sa Boston Marathon bombing: “Wala sa katuruan ng Islam ang pagpapasabog ng bomba at hindi gawain ng Muslim ang manakit at pumatay ng kapwa. Ihiwalay po natin ang gawa ng tao sa kanyang pananampalataya upang hindi makapanakit ng mas nakararaming walang kinalaman.
“Peace is our responsibility. Let us not ignite more confusions. We should use
our Media power to build bridges and educate the poor and the helpless.â€
SCENE: Umiyak si Luis Manzano sa birthday surprise sa kanya ng Pilipinas Got Talent staff sa live telecast nila noong Linggo.
Tumugtog ng drums ang kapatid ni Luis na si Ryan Christian.
SEEN: Masipag mag-rehearse si Daniel Padilla para sa kanyang first major concert sa Smart Araneta Coliseum sa April 30.
SCENE: Si Jericho Rosales ang gusto ni Congressman Jack Enrile na gumanap na Senator Juan Ponce Enrile kung sakaling isalin sa pelikula ang life story ng kanyang ama. Ibinida ni Congressman Jack na guwapo si Sen. Enrile noong kabataan nito.
- Latest