^

PSN Showbiz

Senatoriables, nagpakitang gilas sa Harapan 2013

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagtunggali ang 12 senatorial candidates mula sa iba’t ibang partido sa unang round ng Harapan 2013: The Senatorial Debate noong Linggo (April 22) live mula sa La Consolacion College sa Maynila. Mainit na pinag-usapan online ang debate kaya naging trending topic ang hashtag na #Harapan2013 sa Twitter habang pinapanood ito sa ABS-CBN, ANC, Studio 23, at ABS-CBNNews.com. Nagbangga­an sina Bam Aquino, Risa Hontiveros, Jun Mag­say­say Jr., at Sen. Koko Pimentel ng Team PNoy; Er­nesto Maceda at Rep. Mitos Magsaysay ng United Nationalist Alliance; Rep. Teddy Casiño ng Ma­kabayan; JC delos Reyes, Rizalito David, at Atty. Marwil Llasos ng Ang Kapatiran Party; at ng in­dependent candidates na sina Mayor Edward Hagedorn at Ramon Montaño ang kanilang mga pananaw ukol sa divorce bill, sa pagpapababa ng edad ng mga dapat parusahan ng batas kapag nakagawa sila ng krimen, at kung dapat bang mag-en­orso ng kandidato ang mga religious group sa “paspasan” round ng debate kung saan binigyan sila ng 15 segundo upang ipaliwanag ang kanilang pa­nanaw.

Sinagot din nila ang ilang mga katanungan mula sa panelists na sina Lynda Jumilla, Tony Velas­quez, at Prof. Prospero De Vera at ilang mga kababayang nakakaranas ng problema sa kalusugan at kahirapan. Magkakaroon ng replay ang Harapan 2013: The Senatorial Debate kasama si Ted Failon sa ANC (SkyCable Channel 27) sa Abril 27, 10:30 PM at Abril 28, 1 PM.

Magkakaroon naman ng second round ng  Harapan 2013 para sa iba pang senatorial candidates sa Abril 28, 9:45 PM. 

Tropang Potchi namuhay-probinsiya

Ngayong Sabado (April 27), mapapanood na ang naging pagbisita ng buong barkada ng Tropang Potchi sa Quezon at Antipolo.

Matutunghayan na ang kanilang naging adventure sa sikat na puntahan ng mga turista, ang Villa Escudero. Dito ay nasubukan nila ang buhay-pro­binsiya—ang mga sayaw, pagha-harvest ng niyog, pagsakay sa kalabaw, at pagbubukid. Nagkaroon din sila ng isang hamon sa isa’t isa, ang hindi paggamit ng kanilang mga gadgets tulad ng cellphone buong araw. Makayanan kaya nila ito? Sino kaya ang unang hindi makakatagal?

Samantala, nagbakasyon naman ang buong tro­pa sa Phillip’s Sanctuary sa Antipolo. May napansin ang tropa sa isa sa mga hindi magandang ugali ni Liane (Liane Valentino), ang pagiging ma­ak­saya niya. Paano nga ba ito sosolusyunan ng tropa?

Abangan ang masayang summer fun escapade ng Tropang Potchi na mapapanood tuwing Sabado ng umaga sa GMA.

ABRIL

ANG KAPATIRAN PARTY

BAM AQUINO

HARAPAN

SENATORIAL DEBATE

SHY

TROPANG POTCHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with