Backroom maraming bagong alaga
MANILA, Philippines - Siyam na bagong artists ng Backroom ang inaasahang uukit ng saÂrili nilang pangalan sa mundo ng showbiz.
Kabilang sa siyam na opisyal na pinangalanang Backroom 9 o Not Your Ordinary Boys and Girls (NYOBG) ay sina Ian BatherÂson, Benj Bolivar, Carlo Sawit, Nikita McElroy, PJ Go, Avery PaÂraiÂso, Kayesha Chua, Maui Lumba at Bon Jovi Osorio.
Dating aspiranteng varsity athlete ng Men’s Basketball Team ng University of the Philippines-Diliman si Benj. Naging runner-up din siya sa Mossimo Bikini Summit of 2010.
Napanood din si Benj sa ilang television commercial tulad sa Lucky Me, Bingo, at Smart.
Tumigil siya sa paglalaro ng basketball nang nasa ikalawang taon na siya sa kolehiyo. Gusto niyang patunayan na meron pa siyang magagawang ibang bagay.
“Actually, gusto kong subukan lahat. Pero sa ngayon, gusto kong umarte kasi ‘yung mom ko mahilig sa mga teleserye,†sabi ni Benj. “Parang masaya siyang gawin at fulfilling.â€
Kapwa namamahala sa career ni Benj ang Backroom at ang Mercator ni Jonas Graffud.
Si Carlo Sawit naman ay 24 anyos na. Nagtapos siya ng marketing management sa De La Salle University. Huli niyang nilabasang komersiyal sa TV ang Kremil-S kasama ang bantog na TV host na si Boy Abunda. Marami ang sumunod dito at, bago pa namalayan ni Carlo, inalok siyang mapasama sa Backroom 9/NYOBG.
“Masaya ako rito. Masaya ako sa pag-arte,†patungkol ni Carlo sa bagong hamon sa kanyang karera. “Masaya akong maramdaman ang mga bagay-bagay, gumampan ng papel, maramdaman ang naÂraÂramdaman ng karakter. Para sa akin, parang tulad sa pagbibiyahe ito, parang adventure.â€
Napakatangkad naman ng 18 anyos na si Nikita McElroy sa taas na 5’8â€. Tubong-Davao siya. Pilipina ang kanyang ina habang ang ama niya ay may lahing Pranses at Black American.
Nagmodelo rin si Nikita at naging finalist sa Star Factor. Huli niyang nilabasang TV commercial ang Rubadango ni Kris Aquino. Marami siyang gustong gawin. “Hangga’t kaya ko, kung puwede lahat, pero kung isa lang, siguro, hosting kasi talkative ako eh,†natatawa niyang sabi. “Sa tingin ko, nakakatuwang trabaho ang hosting.â€
Pakiramdam naman ng 22 anyos na si PJ Go, takda siyang mapasabak sa showbusiness kahit hindi siya nagmula sa isang showbiz family. Nasa pangatlong taon na siya ng kursong marketing management sa University of the East nang itinigil muna niya ang kanyang pag-aaral. Mas pinili niyang maging aktibo sa pagmomodelo at pag-arte sa harap ng kamera. Rumampa siya noon sa Fashion Week para sa mga brand na tulad ng Bench at designer na gaya ni Rusty Lopez.
Dumadalo rin si PJ sa mga acting workshop. Nagmula lang siya sa mahirap na pamilya at dumaan din sa maraming pagsubok sa buhay. Umaasa naman siya na magbabago ang lahat sa bago niyang karerang pinasok.
“Nasa iyo ‘yun kung magtatagumpay ka sa gusto mo,†paliwanag niya. “Kapag pinaghirapan mo ang isang bagay, makukuha mo naman, kahit na ano ang pinagdaanan mo sa buhay.â€
Nasa high school pa lang ang 18 anyos na model-turned actor na si Avery Paraiso ay pinangarap na niyang makapasok sa showbiz. Nanalo na nga siya sa Circle of 10 model search noong 2009.
Para kay Avery, isang bentahe niya ang kanyang buhok bukod sa hindi ito gaanong namamantina. Dahil dito, nagkaroon siya ng papel sa mga komersiyal.
“Sabi sa akin dati ng isang caster, kaya raw ako nakuha is dahil sa buhok ko, ’yun daw ’yung character na gusto nila,†sabi ni Avery pero handa naman siyang ipaputol ito kung kinakailangan para sa pangarap niyang maging isang dramatic actor.
Isa namang tipikal na “beauty and brains†na babae si Kayesha Chua. Kaga-graduate lang niya (Class of 2013) sa University of Santo Tomas sa kursong hotel and restaurant management at naging cum laude pa siya. Isang kaibigan ni Kayesha ang naging daan para makasama siya sa Backroom 9/NYOBG.
May taas na 5’7†si Kayesha na patuloy sa pagmomodelo habang naghihintay ng kanyang acting break. Idolo niya si Bea Alonzo, “Kasi nag-evolve ‘yung career path niya. Sobrang ganda ng flow ng path niya as an actress.Sobrang versatile niya, ang galing niyang umarte, sobrang natural lang, tapos ang elegant niya pang tingnan,†sabi niya.
Ang pangalan ni Bon Jovi Osorio ay hango sa kilalang American vocalist pero mas pinangarap ng 22 anyos na ito na maging isang aktor. May ilang taon na ang nakakaraan nang una siyang mapasama sa Backroom pero bumalik siya sa Amerika para tapusin ang kanyang pag-aaral. Ngayong nakatapos na siya, handa na siyang harapin ang kanyang kapalaran sa showbiz. Natutuwa siya na nabigyan siya ng pangalawang pagkakataon sa Backroom 9/NYOBG.
Parang pangalawang pamilya ko ito (Backroom 9/NYOBG),†sabi pa ni Bon Jovi. “’Yung pamilya ko nasa States kaya sa pakiramdam ko ay pangalawang pamilya ko ang grupong ito. Lagi silang nariyan sa loob ng dalawang taon at natutuwa ako na binigyan nila ako ng isa pang pagkakataon.â€
Isa ring basketball player si Maui Lumba na kaeskuwela at kaibigan ni Kayesha Chua sa UST. Sinundan din niya ang yapak ng kanyang ama na dating isang modelo at kasabayan ng mga tulad nina Edu Manzano at Christopher de Leon.
Bilang modelo, laging naiimbitahan si Maui sa mga aktibidad sa UST at isa rito ang sa USTV awards na tinulungan niya sa pamimigay ng mga award.
Walang background sa acting si Maui pero umaÂasa siya na, sa tulong ng Backroom at ng mga taong nakapaligid sa kanya na merong kaalaman sa showbiz, siya at ang iba pa niyang mga kasama ay mabibigyan ng pagkakataon.
Sa buong grupo naman, mas maraming karanasan si Ian Batherson. Lumabas siya sa fifth season ng Starstruck at Survivor Philippines: Celebrity Showdown at bahagi na ngayon ng Backroom 9/NYOBG. Hinahasa rin niya ang kanyang Tagalog at ginagawa ang lahat para mapabuti ang kanyang karera at maging isa siyang mahusay na artista.
- Latest