^

PSN Showbiz

Susan nililibot ang lahat ng palengke sa buong ’Pinas para ikampanya ang anak!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung nung unang balakin ni Grace Poe-Lla­man­­zares na pumasok ng pulitika ay bantulot pa ang kanyang inang si Susan Roces na payagan siya dahil parang kailan lang naman pumanaw ang kanyang amang si Fernando Poe, Jr. o FPJ, hindi na nagpilit pa ang kanilang unica hija at sa halip ay inin­tindi na lamang ang nararamdaman ng kanyang ina. Hindi lamang naman ang pagkamatay ni FPJ ang pumigil sa maagang paglahok ni Grace sa pulitika kundi ang kawalan nito ng karanasan sa gobyerno.

Fresh from abroad pa noon si Grace at ang buo niyang pamilya. Nanirahan sila at namuhay ng mahabang panahon sa Amerika. Umuwi lamang sila ng bansa para tumulong sa kandidatura ng ama na talaga namang nakakita ng puwang para mas ma­ra­mi pa ang matulungan na mahihirap. Dati ng advocacy ni FPJ na gawing magaang ang buhay ng maraming maralitang Pilipino pero kakaunti lamang ang maaabot ng kanyang kagandahang loob at kini­kita. Kapag nasa pamahalaan siya ay mas madali nang tumulong, ’yun nga lamang naun­s­yami ang pa­­ngarap niya, ng kanyang pamilya, ka­ibigan, at mga kasamahan sa industriya dahil nga sa kanyang maagang kamatayan.

Nakalipas na ang 2007. Matagumpay na naita­guyod ni Grace ang pagkakataong ipi­nagkaloob sa kanya ng gobyerno nang pamahalain siya sa Movie and Televi­sion Review and Classification Board (MTRCB) at matagumpay na na­­­bigyan ng reporma ang ahensiya na kan­yang pinamunuan. Nagawa rin niyang mabigyan ng institutional support ang mga indie filmmaker at mapaglapit ang maraming ahensiya ng pamahalaan at ng media para sa protek­siyon ang interes ng mga bata.

Bilang anak ni FPJ ay nakikita niya ang pa­ngangailangan na mapagtuunan ng pansin na mai­ahon sa kahirapan ang mga pamilyang Pilipino bilang basic social institution. Nais niyang mahikayat ang gob­yerno na magkaroon ng mas aktibong role na matulungan ang mga mahihirap na kabataan.

Naniniwala siya na ang kinabukasan ng bansa ay nakasalalay kung paano palalakihin ang mga ba­tang ito. Ang plataporma niya ay batay sa mga ad­hikain ng kanyang ama at nakatuon sa pagtataas ng antas ng buhay ng mga mahihirap, magkakaparehong oportunidad sa lahat at mga electoral reform.

Sa ipinamamalas niyang kasipagan na maipagpatuloy ang adhikain ni FPJ pati ang agam-agam ng kanyang ina ay tuluyan ng naparam. Alam ni Su­san na hindi siya mapapahiya sa kanyang anak. Ma­big­yan lang ito ng pagkakataon ay baka ito pa ang mas makatulong sa industriya na kanilang kinabibilangan na maraming nangako ng tulong pero napako. Sumasama na si Manang Inday sa kanyang kampanya, gaano man kalayo o kadalas, pero sa palengke palaging nakatuon ang pansin nito.

Nakatapos ang pinakamagalang na kandidato sa pagka-senador ng political science sa Boston College sa Massachusetts, USA. Nakatapos din siya ng dalawang taong development studies sa UP Manila.

Club Mwah pinagaganda lalo ang makeup, costume, at choreography ng performers

Nakaka-miss din pala ang dekalibreng palabas ng Club Mwah na matatagpuan sa Boni Avenue sa Mandaluyong City. May isang taon kong hindi nadadalaw ang mga kaibigan kong sina Pocholo Mallilin at Cris Nicolas, ang dalawang taong nasa likod ng matagumpay na pa­na­natili ng Club Mwah bilang isang pangunahing entertainment venue ng mga mala-Las Vegas na panoorin at ng mga tulad nina Madonna, Lady Gaga, atbp. ang performances.

Nagkaroon ako ng libreng oras nung Biyernes ng gabi at naisipan kong sumilip ng Club Mwah na dati ay nagkakasya na lang akong nakitang backdrop ng programang Banana Split. Marami pa ring manonood pero mas pinaganda na ang lighting sa stage at buong lugar. Akala ko mga bago ang mga miyembro ng Follies de Mwah. Hindi raw sabi ni Pocholo, mas marunong na lang silang mag-makeup ngayon.

At bago ang mga costume nila. After 10 years of doing shows, kailangan ng malimit na pagpapalit ng costume at props. Meron na silang elephant sa stage. Meron ng sasakyang dagat na ginagamit ng mga dan­cer, pati wigs ay bago rin.

Pero kung dati ay nagkakasya na lang sa pagdi-direct, pagko-choreograph, pagsi-set design at pagde-design ng costume ang artistic director na si Cris, nagpi-perform na rin ito ngayon, at may talent din siya sa pag-arte huh!

Bedazzled 12 na ang mapapanood ngayon sa Club Mwah na isa ring magandang venue for other events like wedding receptions, birthdays, anniversaries, seminars, concerts, at iba pang okasyon. Tawag kayo sa 535-7943 o 532-2826 for reservation.

Kris nagdadagdag ng talent pangontra sa mga kakumpitensiya

Hindi naman porke kumukuha ng voice lessons ni Kris Bernal ay nagbabalak na itong mag-concert din. Gusto lang siguro nito na maging versatile at puwedeng kumanta kapag nahilingan. Walang masama rito, ’di ba? Kaya huwag n’yo nang pag-isipan na may kinaiinsekyuran ang aktres kaya nag-aaral kumanta.

BANANA SPLIT

BONI AVENUE

BOSTON COLLEGE

CLUB MWAH

CRIS NICOLAS

KANYANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with