Sid Lucero umaming matagal ding nahumaling sa droga!
PIK: Ibabahagi ni Raymart Santiago sa Hot TV mamayang hapon ang isa niyang negosyo na Helicam.
Kakaibang teknolohiya ito na naging negosyo niya at malaki rin ang naitulong nito sa mga kapatid niya at mga malalapit na kaibigan.
Sa directorial job nga ni Randy Santiago sa pelikulang Raketeros, malaki ang naitulong ni Raymart sa ilang eksena kung saan ginamit ang kanyang helicam.
Isa lamang iyun sa kuwentong isi-share ni Raymart sa Hot TV dahil ayaw pa rin nitong pag-usapan ang tungkol sa isyu nina Claudine at Gretchen Barretto.
PAK: Mas open na ngayon si Sid Lucero sa pag-amin sa mga ‘di maganda niyang nakaraan.
Hindi niya ikinakaila na nasangkot siya sa masamang bisyo gaya ng droga pero malaki na raw ang ipinagbago niya alang-alang sa kanyang magiging anak.
Positibo si Sid na baby girl ang ipinagbubuntis ng girlfriend niyang miyembro ng bandang General Luna na si Bea Lao.
Para raw sa kanyang anak at sa bagong responsibilidad na haharapin, magbabago na raw siya at iiwan na ang masamang bisyo na dati niyang kinahuhumalingan.
Focused siya ngayon sa trabaho particular na sa taping ng Love and Lies.
Lalo pang na-excite si Sid nang nalaman niyang pasok sa Cannes International Film Festival ang pelikula nilang Death March.
BOOM: Ayaw nang patulan ni Sheena Halili ang pahayag ni Rocco NaÂcino na gusto raw nitong makipag-usap sa kanya para maayos ang kanilang paghihiwalay.
Sabi ni Rocco, maraming mga questions na hindi nasagot at kailangan daw na may maayos silang closure.
Pero ayaw na itong sagutin pa ni Sheena dahil matagal na raw ang isyung break-up nila at alam naman daw niyang matagal na silang nakapag-move on.
Kung sabagay, kung gusto naman talaga ni Rocco na makipag-usap nang masinsinan kay Sheena, kaya niya itong gawin kahit abala siya.
Puwede nila itong gawin na hindi na kailangang iparating pa sa publiko.
- Latest