^

PSN Showbiz

Kim Chiu masyadong payat, hindi sexy ang hitsura ng katawan!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SCENE : Kailangang magpataba ni Kim Chiu. Masyadong payat at hindi sexy ang kanyang katawan sa litratong kanyang inilagay sa Instagram noong kanyang birthday. Twenty three years old na si Kim.

SEEN: Tinutukan kahapon ng buong mundo sa CNN at BBC ang pagtugis ng FBI agents kay Dzhokhar Tsarnaev, ang suspect sa Boston Marathon bombing.

SCENE: Excited si Ruffa Gutierrez sa pagtatagpo nila bukas ni Ryzza Mae Dizon. Iinterbyuhin si Ruffa ng youngest TV host sa Pilipinas.

SEEN: Masuwerte ang partnership ng direktor na si Adolf Alix, Jr. at ng Japanese actor/producer na si Jacky Woo dahil nananalo sa mga international film festival ang kanilang mga pelikula. Kasali sa 2013 Cannes Film Festival ang Death March, ang bagong pelikula nina Adolf at Jacky.

SCENE: Pareho ang death scene ni Efren Reyes, Jr. sa Kailangan Ko’y Ikaw ng ABS-CBN at ang pagpapatiwakal ni former Defense Secretary Angelo Reyes noong 2011.

Binaril ni Efren ang sarili sa harap ng isang puntod. Nagbaril sa sarili si Secretary Reyes sa harap ng libingan ng kanyang ina.

SEEN: Ratsada na sa pangangampanya si Christopher de Leon sa 2nd District ng Batangas province.

May offer na show kay Christopher ang ABS-CBN pagkatapos ng eleksiyon sa Mayo.
SCENE: Ang confirmation ni Angelica Panganiban na walang Instagram account ang kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz.

SEEN: Nagkampanya si Coco Martin sa Davao del Norte para sa kandidatura ni Congressman Anton Lagdameo, ang asawa ni Dawn Zulueta. Naging close sina Coco at Dawn dahil nagkasama sila sa Walang Hanggan.

SCENE: Malakas ang recall ng pagsasayaw ni Sen. Jinggoy Estrada sa television ad campaign ni Senatoriable Jack Enrile.

ADOLF ALIX

ANGELICA PANGANIBAN

BOSTON MARATHON

CANNES FILM FESTIVAL

COCO MARTIN

CONGRESSMAN ANTON LAGDAMEO

DAWN ZULUETA

DEATH MARCH

DEFENSE SECRETARY ANGELO REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with