Bahay nila Jed pinasok ng mga magnanakaw, singer umamin ding nakaranas ma-in love at ma-heartbroken
MANILA, Philippines - Nakaranas din ma-in love at ma-heartbroken ang magaÂling na singer na si Jed Madela. Pero more than three years na ang huli niyang relasyon. Hindi siya naghahanap sa kasalukuyan dahil mas abala siya sa kanyang bagong labas na album, ang first project niya sa Star Records, pinamagatang All Original.
Pero ayaw niyang mag-elaborate tungkol sa kanyang mga naranasan sa pag-ibig.
Bukod sa album, nag-recording na rin siya para sa isang primetime show ng ABS-CBN kung saan siya ang kumanta ng theme song. Pero bawal pang ibuko kung anong programa ‘yun.
Anyway, nanakawan pala ang bahay nila Jed sa isang subdivision sa Marikina. Sa bintana ng comfort room sa second floor nila dumaan ang magnanakaw na hindi nila namalayan kaya ang duda ay pinaÂamoy silang lahat ng pampatulog para malaya silang makapagnakaw.
Maging ang mga aso raw nila ay hindi man lang tumahol kaya ang duda ni Jed ay pati aso nila ay nakaamoy ng pampatulog.
Datung kasama ang ibang gadgets ang natangay ng mga magnanakaw sa kanilang bahay.
Pero ayaw na lang dibdibin ni Jed ang mga nawala sa kanila. Mas gusto niyang isipin ang paglabas ng kanyang debut album sa kanyang bagong recording label. Sa Universal Records siya nag-umpisa at nakilala, pero ngayon ay nakakontrata siya sa Star Records.
“Ito ang first full project ko with Star Records at ito rin po ang kauna-unahan kong all-original album,†pahayag ni Jed. “Sobrang pinagpaguran namin ang pagbuo sa album na ito kaya nung marinig ko na ‘yung final tracks, gusto ko na rin po siyang agad iparinig sa lahat ng taong naniniwala sa music ko.â€
Ayon kay Jed, ang mga kantang bahagi ng All Original album ay may hatid na bagong tunog at bagong emosyon sa mga makikinig. “Kakaiba lahat ng kanta sa album. Actually, sa ganda ng music, bawat isa sa kanila ay potential single,†dagdag ni Jed, na nakatakdang magdiwang ngayong taon ng kanyang 10th anniversary sa music industry. “Of course, nasa album pa rin ang signature ‘high note ballads,’ pero may mga tracks talagang mapapaisip ang listeners kung ako ba talaga ‘yung kumakanta.â€
Tampok sa first album ni Jed sa Star Records ang 10 original tracks kabilang ang carrier single niyang Ikaw Na, composed by Soc Villanueva; Wish, composed by Jonathan Manalo and co-written with Garlic Garcia; When Love Once Was Beautiful, composed by Genevieve ‘Biv’ De Vera and Raizo Chabeldin; Dito Lang, composed by Francis ‘Kiko’ Salazar; IpinapaÂngako Ko, composed by Christian Martinez; Sa Habang Buhay, composed by Wilson John Escaner; Dalangin Ko, composed, arranged, produced, recorded, mixed and mastered by Jimmy Antiporda; Will ForeÂver, composed by Jungee Marcelo; Home To You, composed by Trina Belamide; at ang sariling komposisyon ni Jed na Tanging ikaw.
Bukod sa kanyang latest album, sinabi rin ni Jed na kauna-unahang Filipino champion sa prestiyosong World ChampionÂship of the Performing Arts (WCOPA) - ang pagiging first Filipino na mapabilang sa Performing Arts Hall of Fame in HollyÂwood. Si Jed ang unang Grand Champion Performer of the World na mapaparangalan ng Achievement Award at masasali sa elite Performing Arts Hall of Fame na may live worldwide webcast sa July 19.
Mabibili na sa record bars nationwide sa halagang P350 lamang ang album niyang All Original.
Darna, Dyesebel, at Captain Barbell kapamilya na, Cristine at Maja ayaw ng fans lumipad
Opisyal nang Kapamilya ang mga karakÂter sa komiks na pinasikat ng batikang komiks novelist na si Marcial “Mars†RaveÂlo gaya nina Darna, Dyesebel, at Captain Barbell. Ibinigay ng pamilya Ravelo sa ABS-CBN ang exclusive right sa 13 titulong likha ni Mars. Dumalo sa contract signing ang mga anak ni Mars na sina Rex Ravelo at Rita Ravelo-Dela Cruz at executives ng ABS-CBN na sina ABS-CBN chairman Eugenio “Gabby†Lopez III, ABS-CBN president at CEO Charo Santos-Concio, ABS-CBN broadcast head Cory Vidanes, at chief finance officer Rolando Valdueza. Maaaring Darna raw ang unang gawing proyekto ng ABS-CBN.
So kung Darna ang unang gagawin nila, sino naman kaya ang masuwerteng bibigyan ng tsansang lumipad?
Dalawa sa very vocal na gustong mag-Darna ay sina Maja Salvador at Cristine Reyes. Pero agad silang kinontra ng marami. Hindi na raw sila mga bagay dahil nakikita na silang nagpapa-sexy at kung magda-Darna sila, hindi na bago ang magiging hitsura nila.
Eh kung si Julia Montes kaya? Tamang-tama kaka-debut pa lang niya.
Si Angel Locsin ang unang nagpasikat ng Darna sa GMA 7.
- Latest