It’s Complicated sa Party P. huling yugto na
MANILA, Philippines - Ngayong linggo, mayayanig ang Ynares Center ng Antipolo, Rizal dahil sa paglusob ng naglalakihang Kapuso stars na handang maghatid ng mainit na concert TV experience sa Party Pilipinas: We Rock!
Sa episode na ito, magaganap na ang pagtatapos ng three-part musical na Status: It’s Complicated! at masasaksihan na natin ang huling yugto sa pag-iibigan nina Rocky, Anton, at Cindy sa saliw ng mga kanta ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.
At tumutok lang dahil hindi matatapos ang musical about Regine nang hindi nagpe-perform ang Asia ’s Songbird.
Kung bitin ka pa sa pasabog na vocals ng prima biritera ng bansa, humanda ka na dahil uulan ng birit sa Live…Now! starring Regine.
Sa triple play, back-to-back na pagpapakitang-gilas ang ipamamalas nina Heart Evangelista, Aljur Abrenica, at La Diva.
Kung may kantahan, meron ding pasabog na saÂyawan hatid ng Sayaw Pilipinas Crew, Hot-Taw, at cast ng Home Sweet Home na makikikembot sa Harlem Shake at Gwiyomi.
Huwag din palagpasin ang pagbirit nina Jaya, Janno Gibbs, Rachelle Ann Go, Jonalyn Viray, Maricris, Aicelle, Krizza, Jay-R, Kris Laurence, at Christian Bautista sa VOX.
Followed by Regine and Jaya’s special duet.
Kaabang-abang din ang bagong single na Julie Anne San Jose na For Everything at ang newest collaboration nina Gloc 9 at Jay Durias na Hindi Mo Nadinig.
Huwag palagpasin ang Party Pilipinas: We Rock! ngayong Linggo sa GMA 7.
- Latest