Laida at Miggy napansin sa CNN iReport, konti na lang aabutan na ang Sisterakas!
MANILA, Philippines - Bukod sa naungusan na ng It Takes a Man and a Woman ang Praybeyt Benjamin ni Vice Ganda at konti na lang daw at mauunahan na rin nito ang Sisterakas, napansin din ang pelikula ng CNN iReport kung saan may isang nag-contribute ng report kung ano ang meron sa nasabing pelikula at pinipilahan ito sa Amerika.
“What is the magic? People falling in line fr CA, to NYC to Texas, Virginia, Canada etc, people driving 3-8 hrs just to watch this movie to venues where it is showing. So what is this movie really?†sabi nang nag-share sa iReport ng CNN.
“Finally, I know people were falling in line. Amazing to see a non-Hollywood film with lines. With this movie, one will cry, laugh and fall in love all over again. So simple yet one will leave the theater with a smile. A movie for all ages,†dagdag nang nag-report.
“Ang galing. Hindi ko akalain na mapapansin tayo ng CNN. Grabe sobÂrang overjoyed. Salamat sa lahat ng mga kababayan natin sa America and even sa Middle East. Talagang tinatanggap itong pelikulang ito. Hindi ko inasahan, grabe ang galing. Unexpected ito,†sabi ni Sarah Geronimo aka Laida Magtalas sa report ng TV Patrol the other day.
Anyway, as of yesterday, balitang naka-P349 million na ang pinagbibidahang pelikula nina Sarah at John Lloyd Cruz.
Ang nasabing kita ay base sa mga sinehan sa probinsiya at Metro Manila lang ayon sa source.
- Latest