Anne tinanggihan ang Hannibal ng AXN!
MANILA, Philippines - Marami ang na-excite nang pumutok ang balita na mapapasama si Anne Curtis sa bagong US TV show na Hannibal na nagsisimula pa lang umere sa Philippine television sa cable channel na AXN. Napapanood na ang suspense-thriller na pinagbibidahan ni Laurence Fishburne, ang aktor na nakilala sa Matrix bilang Morpheus, sa NBC sa Amerika.
Natuwa ang Kapamilya actress na aprubado siya ng screenwriter-producer na si Bryan Fuller pero, sad to say, hindi pala niya matatanggap ang posibilidad na lumabas sa isang cameo role.
Ang sinasabing dahilan ni Anne kung bakit niya tinanggihan ang Hannibal ay ang daily stint niya sa It’s Showtime. Mahal na mahal ng TV host-actress ang noontime show ng ABS-CBN at wala na rin siyang oras dahil sa kabi-kabilang commitments.
Pangarap daw niya ‘yun pero marami siyang commitment sa bansa na hindi niya kayang ipagpalit sa isang TV show sa Amerika.
- Latest