^

PSN Showbiz

Janine tinawag na flirt at insensitive!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Seen :  Patuloy  ang mga below –the- belt na banat kay Janine Tugonon ng netizens dahil sa mga sinabi niya sa guesting nila sa Kris TV ng kanyang ex-boyfriend na si Jaypee Santos.

Tinawag na flirt at insensitive si Janine dahil katabi niya si Jaypee nang sabihin niya sa national television na hiwalay na sila at may communication sila ni Danny O’Donoghue ng The Script.

SCENE : Ang pakiusap ni Jaypee Santos, ang showbiz na showbiz na boyfriend ni Janine Tugonon na huwag husgahan ang kanyang girlfriend dahil sa mga pahayag nito tungkol sa kanilang break up.

Seen : Two thousand pesos ang pinakamahal ngunit affordable  ticket price para sa birthday concert ni Daniel Padilla sa Smart Araneta Coliseum sa April 30.

SCENE : Ang contract signing kahapon ni Lauren Young sa GMA Artist Center.

Seen : Pang-promo sa Belo Medical Clinic ang revelation ni Angeline Quinto na gusto niya na ipaayos ang kanyang ilong. Endorser si Angeline ng Belo Medical Clinic.

Scene : Isang buwan na hindi  mapapanood sa TV si  Regine Velasquez dahil ipapahinga niya ang kanyang boses pero guest siya sa May 17 concert ni Vice Ganda sa  Smart Araneta Coliseum.

Seen : Ang request ni Michelle Van Eimeren na iboto siya sa  Wedding Industry Experts 2013 Awards. Nominated sa best floral designer category ang ex-wife ni Ogie Alcasid. Sa April 23 ang deadline ng online voting.

Scene : Nabuhay ang kontrobersiya na may inililihim na anak si Marjorie Barretto dahil pinatulan nila ni Gretchen Barretto ang pang-iintriga sa Instagram ng hindi kilalang tao.

 

 

 

 

ANGELINE QUINTO

ARTIST CENTER

BELO MEDICAL CLINIC

DANIEL PADILLA

DANNY O

JANINE TUGONON

JAYPEE SANTOS

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with