^

PSN Showbiz

Sinulog festival Queen dineklara uling reyna ng aliwan­

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinanghal na Reyna ng Aliwan si Jamie Herrell, ang Sinulog festival queen, sa maningning na awards ceremonies noong Sabado ng gabi sa pagtatapos ng taunang Aliwan Fiesta sa CCP Complex

Ito ang 5th consecutive win ng lalawigan ng Cebu sa Reyna ng Aliwan pa­geant.  Sinundan ni Jamie sina Sian Elizaberth Maynard (2009), Rizzini Alexis Gomes (2010), Rogelie Catacutan (2011), at Angeli Dione Gomez (2012).

Hindi akalain ng 18-anyos na Fil-Am na kanyang makakamit ang korona dahil sadyang mahigpit ang labanan nila ng half-Nigerian na kinatawan ng Iloilo Dinagyang - si Emily Victoria Oke - na siyang first runner-up.  Ang iba pang pumasok sa magic five ay ang kinatawan ng Kalilangan Festival ng GenSan na si Gaile Anne Surriga, ang Langub festival muse na si Shella May Kumarasammy, at ang taga Sinulog Sang Kabankalan na si Joahnna Carla Saad. 

Maraming nakapansin na parang pinaghalong Christine Jacob at Kristine Hermosa ang mukha ni Jamie, samantalang kahawig naman ni Maxene Maga­lona si Joahnna.

Sa festival dance competition, muling nakamit ng Iloilo Dinagyang ang kampeonato, samantalang ang Bahandi Han Eastern Visayas ng Lingganay Festival, Alang-Alang, Leyte ang nakakuha ng first prize sa float design.

ALIWAN

ALIWAN FIESTA

ANGELI DIONE GOMEZ

BAHANDI HAN EASTERN VISAYAS

CHRISTINE JACOB

EMILY VICTORIA OKE

GAILE ANNE SURRIGA

ILOILO DINAGYANG

JAMIE HERRELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with