^

PSN Showbiz

Heart type ni Jake Ejercito hindi lang ipinahahalata pag nasa trabaho, Anak ng Comedian/TV host may kanser!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Unti-unti na palang nabubuo ang alitan sa dalawang grupo ng mga fans na sumusubaybay sa mga bida ng Mundo Mo ay Akin na sina Alden Richards, Louise delos Reyes, at Lauren Young.

Dahil sa patindi nang patinding takbo ng kuwento ng drama series na ito sa GMA Telebabad, nabubuo na ng dalawang grupo ng fans, ang LouDen na mga Louise-Alden supporters, at ang LauDen na type naman sina Lauren at Alden.

PAK: Ang dalawang guwapong bagets na sina Jake Ejercito at si Julian Estrada ang nakaw-eksena sa pinatawag na lunch ng Manila Mayoralty candidate Joseph “Erap” Estrada kahapon.

Lalong gumuwapo si Julian na na-link kay Julia Baretto at mukhang silang dalawa ang pinagla-love team.           

Si Jake naman ay ayaw daw munang mag-showbiz dahil target nitong matapos ang kanyang pag-aaral na kung saan isang taon na lang ay graduate na siya sa kursong Political Science at Business Management sa London.

Kinlaro niyang hindi raw sila nagkabalikan ni Andi Eigenmann pero nanatili silang magkaibigan.

Nagpapasalamat nga ito kay Andi dahil tumulong pa raw ito sa pangangampanya para sa dating Pres. Erap. Pati kina Jacklyn Jose at Mark Gil ay nagpapasalamat si Jake dahil pinayagan daw nila si Andi na magkampanya para sa kanyang ama.

Kung sakaling papasukin daw ni Jake ang pag-aartista, ang una niyang naisip na type niyang makapareha ay si Heart Evange­lista dahil crush na raw pala niya ito mula nung bata pa siya.

BOOM: Totoo kayang may malubhang sakit ang anak ng isang kilalang comedian/TV host?

Alam na raw ng mga katrabaho niya ang dinadalang problema ni comedian/TV host kaya naawa sila dahil todo-kayod daw ito para sa pagpapagamot lang sa kanyang anak.

Napakabata pa raw nitong anak ni comedian/TV host pero dinapuan daw ito ng sakit na cancer at palubha na raw nang palubha.

Kung nakikita mo si comedian, ang saya-saya niya na parang walang problema, pero may mabigat itong dinadala dahil sa kalagayan ng kanyang anak at solo niyang sinasagot ang pagpapagamot nito.

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANDI

ANDI EIGENMANN

BUSINESS MANAGEMENT

DAHIL

ERAP

HEART EVANGE

JACKLYN JOSE

JAKE EJERCITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with