Annaliza ni Julie Vega bubuhayin ng kapamilya, aanakin ni Kim Chiu ang magiging bida
Noong dekada 80’s ay sikat na sikat ang soap opera nang namayapang aktres na si Julie Vega, ang Annaliza. Ngayon ay ire-remake ng Kapamilya network ang nasabing serye at pagbibidahan naman ito ni Andrea Brillante.
Marami nang nagawang TV commercials si Andrea. Gumanap bilang anak ni Shaina Magdayao si Andrea sa seryeng Alyna bago pa siya naging mainstay ng Goin’ Bulilit. Gumanap na rin bilang young Andi Eigenmann sa Kahit Puso’y Masugatan at young Kim Chiu sa Ina, Kapatid, Anak. Lumabas din noon sa Eboy at ilang episodes ng Maalaala Mo Kaya.
Masayang-masaya si Andrea dahil magbibida na siya ngayon sa isang teleserye. “Masaya at saka nae-excite ako kasi noong three years old pa lang ako gusto ko na maging bida. Sobrang saya ko kasi parang nagkaroon sila ng trust sa akin na bigyan ako ng show. Saka siyempre 1980 to 1986 si Julie Vega pa ‘yung gumanap,†pahayag ni Andrea.
Sampung taong gulang pa lamang siya ngayon kaya nag-research daw talaga si Andrea tungkol kay Julie Vega at sa seryeng Annaliza.
Samantala, si Kim Chiu raw ang iniidolong artista ni Andrea at kinuha pa raw niyang ninang ang aktres para sa kanyang binyag. “Opo na-meet ko na siya. Siya nga magiging ninang ko kapag bininyagan na po ako.
Pumayag na po siya. Sabi ko, ‘Puwede ba kita maging ninang?’ ‘Oo, sige, puwede naman.’ Mabait siya, sobra,†kwento pa ng batang aktres.
Jerome Ponce, natutong makisama dahil sa serye
Madami raw natutunan si Jerome Ponce ng teleseryeng Be Careful With My Heart. Masuwerte raw ang binata dahil siya ang pinagkatiwalaang gumanap bilang si Luke sa nasabing proyekto. “Madami akong natutunan, unang-una sa ugali dapat as Jerome Ponce dapat pagdating sa ugali mas maging Luke ako. What I mean is kailangan marunong kang makisama. Pangalawa, kailangan mong mahalin at intindihin ‘yung istorya ni Luke. Isa pang natutunan ko is ‘yung kailangan kang makihalubilo hindi lang sa katrabaho mo kundi sa staff, crew. Ituring mong pamilya rin,†paliwanag ni Jerome.
Masaya ang aktor dahil bilang baguhan sa industriya ay nabigyan na siya ng pagkakataong makasama sa isang magandang serye na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap. Masarap daw katrabaho ang dalawa ayon kay Jerome. “Si Richard Yap very, very bagets na masaya, makulit. Masaya siya as in. Hindi siya ‘yung ini-expect mo na parang professional lang who goes to work dahil businessman siya. Ka-close rin niya ‘yung mga tao and nandun siya nakikipag-joke sa amin. Si Ate Jodi, ang galing umarte, professional talaga sobra and friendly rin,†kuwento ng binata.
Samantala, kahit nakaka-apat na kasintahan na si Jerome ay wala naman daw siyang karelasyon sa ngayon. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest