^

PSN Showbiz

Chris Tiu at Borgie Hermida magko-coach sa The Master Game Face All-Star Basketball Challenge

Jhi D. Gopez - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Gustung-gusto ni Chris Tiu ang bago niyang endorsement na Master face care line ng Unilever dahil may kaugnayan ito sa paborito niyang sport na basketball. Masaya siyang humarap kamakailan para sa launching ng kauna-unahang The Master Game Face All-Star Basketball Challenge sa URBN, The Fort, Taguig City. Ka-partner ng Master ang FilOil Flying V sa papalapit na college basketball season.

Hindi lang simpleng brand ambassador dito ang Atenistang si Chris kasi may mabigat siyang res­ponsibilidad na mag-coach, kasama ang isa pang basketbolistang si Borgie Hermida na galing San Beda College, sa mga pina­kamagagaling na collegiate players mula sa 18 unibersidad sa buong bansa. Maghahati sila ng team ni Borgie. Showdown ng kani-kanilang bet ang mangyayari sa June 8 sa San Juan Arena sa San Juan, Metro Manila kapag nabuo na ang star players, kasama pa ang galing sa NCAA (National Collegiate Athletic Association) at UAAP (University Athletic Association of the Philippines).

May partisipasyon din ang fans na bumoto kung sinong player ang gusto nilang maisama sa lineup ng Team Chris at Team Borgie.

Tingnan lang simula sa April 17 ang www.facebook.com/MasterPhilippines at ang Game Face Application kung paano ang gagawin.

Ang fans na ma­ka­kakuha ng tamang star­ting lineup ay maaaring manalo ng dalawang ringside tickets sa The Master Game Face All-Star Basketball Challenge.

Ang bungad agad ni Chris nung ipinakilala sa launching, “It’s good to be back.” College student pa lang kasi siya nung naging endorser na ng Master Facial Wash.

Pero bago pa ‘yun ay talagang maingat na pala siya sa kanyang mukha. Katulad din ng ibang kabataang atleta na hindi kuntento sa sabon.

“Nung college ako, ma-pimples pa ako, cleanser pa ang tawag sa ginagamit ko,” tatawa-tawang sabi ng basketball star na lalong naging celebrity nang maging TV host.

Idinagdag din niya na nagtuluy-tuloy ang gamit niya ng Master kahit nung mga panahong hindi na siya ang nag-eendorso nito. Kaya naman masaya siya sa pagbabalik bilang isa sa dalawang napiling brand ambassadors ngayon.

Mukha ngang hindi lang ang galing sa bola nina Chris at Borgie ang hinahangaan ng kanilang mga tagahanga kung hindi ang makinis nilang kutis na parang hindi nadudumihan o napapawisan man lang.        

vuukle comment

BORGIE

BORGIE HERMIDA

CHRIS

CHRIS TIU

FLYING V

GAME FACE APPLICATION

MASTER FACIAL WASH

MASTER GAME FACE ALL-STAR BASKETBALL CHALLENGE

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with