Indio at ama magkikita na
MANILA, Philippines - Sisimulan nang hanapin nila Juancho (Michael de Mesa) ang taong pumana sa mga Gwardiya. Hahalughugin nila ang mga bahay-bahay na siyang hindi sasang-ayunan ni Esperanza (Jennylyn Mercado). Makakarating na rin kay Indio (Bong Revilla, Jr.) ang mensahe ni Esperanza at hindi na niya maililihim pa ang tunay niyang nararamdaman kaya naman papayuhan siya ni Mayang na makipagkita kay Esperanza.
Sa Maynilad naman, matutuklasan nila Elena (Vaness del Moral) na pinaghahanap na ang mga piratang nagnanakaw sa mga Galleon. Matatakot sila para sa kanilang mga sarili!
May bagong maiisip naman si Burigadang Pada Sinaklang Bulawan laban kay Indio. Sa Pueblo naman, kakailanganin nila Mariano ang Cabeza de Barangay na walang iba kundi si Mayang. Upang hindi paghinalaan ang kaibigan, magsisinungaling si Tuhay para protektahan si Mayang sa pamamagitan ni Isabel (Ryza Cenon). Babalik na rin sa ilawod sina Mayang at Liway. Magugulat sila dahil sasama sa kanila si Indio. Balak ni Indio na makipagkita na kay Esperanza (Jennylyn).
Hindi magiging madali na makapasok muli sa pueblo sina Mayang at Indio kung kaya tutulungan sila ni Tuhay. Matapos noon ay makikipaghiwalay na si Indio sa kanila. Uutusan naman ni Tuhay si Mayang na makipagkita kay Isabel dahil na rin sa pagtulong nito sa kanya.
Maiisip ni Antonio ang ama na si Indio, ang hindi niya alam ay papunta na ito sa kanila. Makakaharap na sa wakas ni Esperanza si Indio.
Magkikita na rin kaya ang mag-amang Indio at Antonio? Abangan ang mga kaganapan sa Indio gabi-gabi sa GMA 7.
- Latest