Mark magpupundar na ng bahay, Ynna gusto nang pakasalan
PIK: Sina Jackie Rice at Jennica Garcia ang sobrang natsa-challenge sa role na ginagampanan nila sa Bukod Kang Pinagpala.
Lalong umiinit ang mga tagpong mapapanood dahil sa patuloy na paglalaban ng tatlong ina para sa batang si Lara na ginagampanan ni Mona Louise Rey na naging si Cindy.
PAK: Naaliw kami sa kasal nina Mystica at ng 23-year-old boyfriend niyang si Edwin Nuas nung nakaraang Lunes ng hapon.
Sabi ni Mystica, wala na raw proposal. Siya na ang nagdesisyong magpakasal na sila para mapatunayan sa lahat na totoo ang pagmamahalan nila nitong si Edwin na naging talent pala niya at pinag-produce pa niya ng isang indie film.
Ang nakakaloka pa, sinabi pa ni Mystica na hindi na kailangang magtrabaho pa ni Edwin dahil ito na ang hahawak ng pera niya.
Nako-control daw kasi ng kanyang dyowa ang paggastos niya dahil hawak na ni Edwin na siyang nagba-budget ng mga gastusin nila sa bahay.
BOOM: Wala pang sinasabi si Mark Herras kung kailan pero kailangan na niyang mag-ipon daÂhil kung siya ang masusunod, gusto na niyang magÂpundar ng sariling bahay bilang paghahanda sa plano niyang malagay sa tahimik. Kung sakali, si Ynna Asistio na itong babaeng pakakasalan niya.
“Siguro someday ’pag sobrang stable na ako, ‘yung career ko, at kaya ko nang bumuhay ng pamilÂya, may possibility na pakasalan ko na si Ynna kasi mahirap nang makahanap ng babaeng kagaya ni Ynna,†diretsong pahayag ng bida ng GMA afternoon drama na Unforgettable.
- Latest