Marvel Superheroes nagkalat sa TV5
MANILA, Philippines - Simula ngayong linggo, handog ng TV5 ang mga kapanapanabik na mga pelikula at cartoons mula sa tanyag na Marvel Comics. Kasabay din ito ng pag-aabang ng mga Kapatid comic book fans sa nalalapit na pagbubukas ng Iron Man 3.
May handog na mga Tagalized cartoons ang TV5 para sa Kapatid chikitings. Pagpatak ng 9:30AM, mapapanood na nila ang Planet Hulk sa Abril 16, Doctor Strange sa Abril 17, Thor: Tales of Asgard sa Abril 18 at ang Ultimate AvenÂgers 2: Rise of the Panther sa Abril 19. Sa susunod namang linggo, mapapanood ang Next Avengers: Heroes of Tomorrow (Abril 22), Hulk vs Thor and Wolverine (Abril 23), at The Invincible Iron Man (Abril 24).
Kung matinding aksiyon naman ang hanap ng mga viewers, mapapanood din ang ilan sa mga paboritong Marvel superheroes sa Sine Ko 5ingko. Nasa Kapatid Network na ang mga certified blockbuster superheroes - Spider-Man na tampok si Tobey Maguire at Kirsten Dunst, Daredevil starring Ben Affleck, at si Hugh Jacman at Halle Berry sa X-Men. Magbabalik din si Spiderman para kalabanin si Dr. Octopus sa Spiderman 2.
Tuluy-tuloy ang mga blockbuster kasama ang Ghost Rider kung saan bida sina Nicholas Cage at Eva Mendes sa Sabado ng 4:30PM at Wolverine tampok si Hugh Jackman sa Linggo pagdating ng 8:30PM.
Arangkada pa rin ang Sine Ko 5ingko sa susunod na linggo kasama ang mga umaatikabong Marvel superhero movies tuwing weekdays ng 8:00PM. Sa Lunes (April 22), pamumunuan ni Professor X ang kanyang tropa sa X-Men 2.
Dapat din tumutok sa Martes at ipapalabas na sa free TV ang Iron Man 2, na timing naman sa showing ng Iron Man 3 sa mga sinehan sa Miyerkules. Humanda din sa higanteng si Incredible Hulk, habang ipagtatanggol naman ng Fantastic Four ang mundo sa Fantastic Four: The Rise of the Silver Surfer. Ang huling yugto ng sagupaan sa pagitan ng mutants at humans ay tampok sa X-Men: The Last Stand.
Sa Sabado, makikilala ng mga viewers si Frank Castle na mag-isang kumakalaban sa sindikato sa Punisher: War Zone. Magtatapos ang Marvel maÂrathon sa Linggo ng gabi, 8:30PM kasama ang Spider-Man 3.
Bilang pasasalamat naman sa mga loyal Kapatid viewers, may pagkakataon silang manalo ng limang tickets sa special Iron Man 3 block screening ng TV5. Simula ngayong linggo, pwedeng manalo sa Sine Ko 5ingko Watch N Win Promo. Kailangan lang mag-register sa pamamagitan ng pagreregister via SMS sa ganitong format: SINEKO5 REG <FULL NAME/AGE/GENDER/COMPLETE ADDR> at ipaÂdala sa 5656.
Limang masuwerteng viewers ang mananalo araw-araw kung saan ang bawat isa ay mag-uuwi ng limang tickets para sa special Iron Man 3 screening ng Kapatid Network. Pumunta lang sa TV5 Facebook fan page para sa iba pang mga detalye. Ang promong ito ay bukas sa mga naninirahan sa National Capital Region sa ilalim ng DTI-NCR permit number 2241, series of 2013.
- Latest