^

PSN Showbiz

EB Babes kikilatisin ni Arnold

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Martes, lalong mag-iinit ang inyong summer dahil sa sikat na grupong kinagigiliwan sa longest-running noontime show sa bansa na Eat Bulaga! Talaga namang hindi makukumpleto ang Dabarkads kung wala ang EB Babes na binubuo nina Molly, Yosh, Lyka, Aizel, Ria, Corn, at Hopia!

Ito na ang pagkakataon para lubos mas makilala sila ng kanilang mga tagahanga — mapa-lalaki man o mga batang babaeng umiidolo sa kanila — pagdating sa kagandahan, kakikayan, at galing sa pagsasayaw.

Alamin ang personal na kuwento ng bawat miyembro ng EB Babes. Bukod sa pagsasayaw, may magaling din daw umawit sa kanila!

Sino kaya ang pinaka-kalog at pinaka-seryoso sa pitong babaeng ito? Meron kayang tinatratong bunso o ate sa kanilang grupo? Pero ito ang bagay na sigurado — maglalaban-laban sila sa palambutan ng katawan sa pamamagitan ng sayaw na “limbo rock”!

Isang gabing puno ng masaya at makabuluhang kuwentuhan ang muling handog ng Tonight with Arnold Clavio ngayong Martes, 10:30 p.m., sa GMA News TV.

vuukle comment

AIZEL

ALAMIN

ARNOLD CLAVIO

BUKOD

DABARKADS

EAT BULAGA

HOPIA

ISANG

NGAYONG MARTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with