^

PSN Showbiz

Anne magba-babu na sa showbiz, sasabak sa show ng actor ng Matrix

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa naman 100% na kumpirmado na naipasa ni Anne Curtis ang audition niya para sa isang US TV show, pero marami  ang agad ay nakadama ng lungkot dahil kapag natuloy ito ay baka mawala na ang maganda at versatile na artista ng lokal na pelikula. Hindi bale sana kung isang pelikula lamang ang gagawin niya, sandali lamang itong matapos, pero baka masundan pa ito  dahil kilala ang passion ni Anne sa pagtatrabaho. Aba baka matagalan ang pamamalagi niya ron or, worst, baka doon na siya tuluyang magka-career.

Kahit cameo lamang ang magiging role ni Anne sa Hannibal, isang TV suspense thriller na pagbibidahan ni  Laurence Fishburne, na unang nakilala sa pelikulang Matrix, na pinagbidahan ni Keanu Reeves, malaking achievement na rin ito para kay Anne, na susubok sa international scene.

Alice hindi nag-sorry kay Rita

Let’s give Alice Dixson the benefit of the doubt at paniwalaan nating sobra lang siyang nadala ng ginagampanan niyang role sa Never Say Goodbye kung kaya unaware siya na nakakasakit na siya.

Sinabi ni Alice na ang ginagawa niya ay simpleng pagganap lamang ng kanyang role. Wala siya ni anumang personal na galit sa mga nakakaeksena niya. “Hindi ako ‘yun kundi ang character kong si Crizelda. Lahat ay trabaho lamang at walang personalan. Wala kaming away ni Rita, I wish her well,” ang paliwanag niya sa mga pagbibintang ng pananakit niya kay Rita Avila.

Regine, mamamahinga muna

Dapat lang talagang maghinay-hinay ni Regine Velasquez kung gusto niyang mapangalagaan ang boses niya. Can afford naman siyang mag lay low, meron pa siyang mga programa na magpapanatli sa kanya sa isip ng mga fans. Hindi pa nila siya makakalimutan. Kesa naman sagarin niya nang sagarin ang boses niya, baka maaga itong magpaalam na ayaw niyang mangyari dahil, first and foremost, singer siya, isang magaling na singer na maraming araw pa ang nalalabi para ma-enjoy niya.

AiAi gustong tumandang may kasama

Sana nga matupad ang pangarap ni AiAi delas Alas na may makasama sa kanyang pagtanda, kapag ang mga anak na ay may kanya-kanya ng pamilya. She was the epitome of happiness habang binabati ng mga kasamahan niya at ang audience sa Pilipinas Got Talent nung Linggo ng gabi, matapos ang  napa­ba­litang kasal nila sa Las Vegas ni Jed Salang. Isang eksklusibong family affair ‘yun na exclusive na ipinalabas sa ABS-CBN. May balak na church wedding ang Salang couple sa Dec. 8 ng taong ito.

Now as Mrs. Jed Salang lahat ay bumabati kay AiAi at umaasam na sa bago niyang estado, wala na siyang mahihiling pa.

 

ALICE DIXSON

ANNE CURTIS

JED SALANG

KEANU REEVES

LAS VEGAS

LAURENCE FISHBURNE

MRS. JED SALANG

NEVER SAY GOODBYE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with