^

PSN Showbiz

Wala nang gustong hilingin: Sarah sunud-sunod ang biyayang natatanggap

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Mahigit P320 million na ngayon ang kinita ng pelikulang It Takes a Man and a Woman nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz. Masayang-masaya si Sarah dahil naging maganda ang resulta ng nasabing proyekto sa takilya.

“Sabi ko nga pagkatapos na naming gawin ‘yung pelikula, natapos na ‘yung dubbing, at sigurado lang ako na mas mamahalin nila itong si Miggy at si Laida. Maipagmamalaki talaga,” bungad ni Sarah.

Wala na raw mahihiling pa ang Pop Princess sa lahat ng mga biyayang natatanggap niya. Nominated si Sarah sa World Music Awards para sa World’s Best Female Artist, World’s Best Live Act, at World’s Best Entertainer, at siya ang kauna-unahang Pinoy na nakapasok dito. “Pagdating sa success mo, sa career mo, kung ano ibinibigay mo sa tao naibabalik sa ‘yo, sobra-sobra pa. Do’n ko tinitingnan. Siyempre may mga bagay na personal, na sa sarili lang natin ‘yun, pero tingnan mo na lang kung ano ‘yung sobra-sobrang ibinibigay sa ‘yo ng Diyos. Reminder na ’di mo na kailangang maghanap pa. Alam mo ‘yun, lahat tayo mayroon nung ‘Ay…’ may mga ganun, pero ’di po love life ito ha? Mas personal,” paliwanag ng dalaga.

Samantala, kinakabahan ngayon si Sarah dahil napabilang siya sa mga coach ng bagong reality show na The Voice of the Philippines.

“Sobrang kinakabahan po ako pero I’m lucky nabigyan po ako ng chance na makasama sina Ms. Leah (Salonga), si Bamboo, si apl.de.ap as one of the coaches. Grabe! Big word, ‘Coach,’” giit pa ng dalaga.

Magiging abala na rin si Sarah sa isa pa niyang bagong TV show na Sarah G. Presents.

Vice Ganda inamin na ang dancer na laging bitbit

May nagsasabing masaya ngayon ang buhay pag-ibig ni Vice Ganda dahil sa ilang mga larawan na kumakalat sa Internet. Makikita sa nasabing mga larawan na kasama ng komedyante ang isang lalaki. Sino nga ba ang lalaking tinutukoy na kasama ni Vice?

“Si John, anak-anakan ko, dancer ng G-Force ’yun. Nakakaloka! Kasama ko siya araw-araw kasi magkabarkada kami. Kahit saan ’di ba bitbit ko ‘yung barkada ko? Saan man ako pumunta kasama ko sila,” paglilinaw ni Vice.

“Happy ako, masaya ang puso ko.”

Samantala, naging abala rin si Vice Ganda nitong nakaraang linggo para sa Vice Ganda Cup. Isa itong Volleyball tournament na nilahukan ng iba’t ibang eskuwelahan at ilang sikat na personalities. Nagtapos na rin ang finals ng Vice Ganda Cup kaya plano ulit itong gawin ni Vice sa mga susunod na taon.

“I swear and I promise na hindi ito ang kahuli-hulihang Vice Ganda Cup. Sa mga susunod na taon magkita-kita tayo and we will make this event one of the biggest volleyball events dito sa Pilipinas,” nakangiting pahayag ng komedyante. Reports from JAMES C. CANTOS

                        

BEST ENTERTAINER

BEST FEMALE ARTIST

BEST LIVE ACT

IT TAKES

VICE

VICE GANDA

VICE GANDA CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with