Lovi iniyakan ang ginawang paghuhubad sa The Bride…
PIK: Nakaw-eksena si Mother Lily Monteverde sa presscon ng The Bride and the Lover kahapon nang dumating ito dahil parang wala na itong sakit.
Pumayat lang siya nang konti pero okay na okay na raw siya pagkatapos siyang operahan sa lungs.
Malaki ang pasasalamat ni Mother Lily sa kanyang mga anak na lagi siyang sinasamahan magmula nung operahan siya hanggang sa nagpapagaling na.
“You know I am surrounded by my beloved family. I feel good. Feeling ko talagang okay na okay na ako. Better than before.
“After my operation, God is good talaga. Sabi ko, this is my new beginning,†pahayag ng Regal matriarch.
Tutok si Mother Lily sa promo ng pelikulang The Bride and the Lover na showing na sa May 1.
PAK: Meron palang ni-request si Lovi Poe na tanggalin na eksena sa pelikulang The Bride and the Lover dahil sobra ang pagka-daring ng eksenang ginawa niya.
May isang love scene sila ni Ahron Villena na napaiyak siya dahil feeling niya ay parang violated siya nang ginawa niya ang eksenang iyon.
Pagkatapos nakunan ang eksena, napaiyak na lang siya dahil parang hindi niya maisip na nagawa niya ang eksena.
Mabuti at naging gentleman naman si Ahron at inalalayan siya nang kinunan ang kanilang eksena.
BOOM: Ibinasura ang kasong Violation of Article 285 and Article 266 of the Revised Penal Code o light threat ang slight physical injury na isinampa ni Matt Evans laban sa nagngangalang Juan Alberto Carlotta, ang kapatid ni Johnelline Hickins, ang babaeng nabuntis ni Matt na nagkaso rin laban sa aktor.
Nagkaroon ng gulo kina Matt at kay Johnelline sa bahay ng huli na kung saan tumulong itong kapatid na si Juan Alberto at nasuntok si Matt.
Kaya nagsampa ang aktor sa Metropolitan Trial Court ng Pasig City at dininig ito pero na-dismiss naman.
Wala raw probable cause ang kasong isinampa ni Matt dahil napatunayang tumulong lang at nagdepensa ang kapatid na nakaaway ni Matt.
- Latest