^

PSN Showbiz

Santacruzan 2013 sa Binangonan gaganapin sa May 5

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Idaraos sa Mayo 5 ang Kapistahan ng Barangay Libid sa Binangonan, Rizal. Kaugnay nito, isang makulay na Santacruzan ang magaganap simula ika-7:00 ng gabi na magsisimula sa kapil­ya ng nasabing barangay.

Ayon kay Gomer O. Celestial, Chair Komiti ng Santacruzan, ito ay pangungunahan nina Kathrina Janela O. Doblada, bilang Reyna Emperatriz at Sharilyn Marie P. Patag ang Reyna Elena.

Lalahukan ito ng mga piling dilag sa nasabing bayan at mga winners ng Ginoo at Binibining Binangonan 2013.

Magbibigay din ng kulay sa nasabing pagdiriwang ang bagets actor na si Teejay Marquez, gumaganap na Mohammad-Abdullah sa pelikulang Pagari at sa teleseryeng Ang Mundo Mo’y Akin, kasama rin si Mr. Pogi ng Eat Bulaga na si John Edric Ulang, bilang mga konsorte.

Ito ay sa pagtataguyod ng Sangguniang Barangay ng Libid at sa pakikipagtulungan nina Mayor Boyet M. Ynares, Victor Santos, Enrique See, Alice de Jesus, Engr. And Mrs. Joel Gavino, designers, Liway Mallari Home of Fashion, Joel Niones, Aya Lazada, at Dante Quismundo, Mrs. Bonek Tiraña, 109 Ri­ders Club, KABALIKAT CIVICOM at Barangay Tanod para sa kaayusan ng ­prusisyon.

vuukle comment

ANG MUNDO MO

BARANGAY LIBID

BARANGAY TANOD

BINIBINING BINANGONAN

CHAIR KOMITI

DANTE QUISMUNDO

EAT BULAGA

ENRIQUE SEE

GOMER O

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with