^

PSN Showbiz

Banggaang Durano kontra Durano sa Danao City, hihimayin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tututukan ni Rico Lucena ang lagay ng pulitika sa Cebu partikular na ang pagtakbo rito ng 32 na miyembro ng pamilya Durano sa pinakabagong handog ng KampanyaSerye ngayong linggo sa TV Patrol.

Isa nga ang mga Durano sa patuloy na may hawak sa pamamahala sa iba’t ibang bahagi ng Cebu at isa mga impluwensyal na political clan sa lugar. Tila hahamunin ang kanilang pamumuno at pagkakaisa ngayong 2013 halalan dahil sa pagtakbo ng magkapatid na Ramon “Boy” Durano at Ramon “Nito” Durano sa parehong pwesto ng pagkabise-gobernador ng Danao City. Sino kaya ang papanigan ng pamilya at ng kanilang pinamumunuan? Gaano nga ba kahalaga na makuha ang boto ng mga Cebuano para sa mga tumatakbong pulitiko?

Batay sa tala ng National Statistics Office, nasa 4.16 milyon ang populasyon ng Cebu at nasa 2.5 milyon sa mga ito ay rehistradong botante kaya naman ganoon na lang kung ligawan ng mga tatakbo ang mga tao rito.

Ang KampanyaSerye ay bahagi ng ABS-CBN Halalan 2013 na naglala­yong mapalawak ang kaalaman ng mga mamamayan bago bumoto.

Huwag palalampasin ang Kampanyaseryeng Durano kontra Durano, sa ulat ni Rico Lucena, ngayong linggo sa TV Patrol na may simulcast sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630.

BATAY

CEBU

DANAO CITY

DURANO

KAMPANYASERYENG DURANO

NATIONAL STATISTICS OFFICE

RADYO PATROL

RICO LUCENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with