Anak nina Sandy at Boyet malakas ang laban sa Binibini MTRCB Chair sinisiraan lang!
PIK: Nagkaharap na kahapon ng hapon sina Lorna Tolentino at ang ina ng desaparecidos na si Jonas Burgos na si Mrs. Editha Burgos.
Matutuloy na rin ang pagsasapelikula ng kuwento ng buhay ni Mrs. Burgos at si Lorna Tolentino ang gaganap.
Aware si Lorna na hindi siya ang first choice, dahil kay Nora Aunor unang inalok ang naturang project.
Sa susunod na linggo ay magsisimula na si Lorna na i-shoot ang naturang pelikula.
PAK: Pansamantalang tumigil muna si Sandy Andolong sa pagtanggap ng trabaho sa TV at pelikula dahil aligaga ito sa pagbantay sa anak niyang si Mariel de Leon na isa sa strong contender sa nalalapit na Binibining Pilipinas.
Habang papalapit na ang coronation night, lalong nati-tense si Sandy dahil sa marami ang humuhulang makukuha nito ang title.
Pero hindi raw ganun kadali ani Sandy, kaya lahat na suporta ay ibinibigay nila.
Kaya kahit abala rin si Christopher de Leon sa pangangampanya sa Batangas, iniisip din nito ang dalaga niyang magiging beauty queen.
“Oo nga! Ang hirap ng may anak na beauty queen,†natatawang bulalas ni Sandy.
BOOM: Hindi pa rin tinitigilan ang MTRCB Chairman Atty. Toto Villareal ng mga paninira ng ilang movie reporters dahil sa hindi sila nabibigyan ng MTRCB Deputy card.
Kung anu-anong pangungutya ang inabot niya at meron pang nananakot na sisirain daw siya sa kanilang column.
Gusto lang naman linawin ng mga taga-MTRCB na hindi naman daw lahat na movie reporters ay deputized na ng MTRCB.
Ang deputy card ng MTRCB ay hindi lang para sa movie press kundi sa lahat na sector ng lipunan gaya ng mga guro, estudyante, at iba pang propesyon.
Maaring hindi lang aware rito ang ilang reporters, kaya ang iba ay inaakusahang ego-tripper daw si MTRCB Chair Villareal.
Ang ilang reporters naman na kung takutin ang mga taga-MTRCB, akala mo ganun sila ka-powerful na ganun na lang nila kung siraan ang gusto nilang siraan.
- Latest