Nakalagak sa St. Paul’s Cathedral Iron Lady pinagluluksa ang buong UK
MANILA, Philippines - Nagluluksa na ang buong United Kingdom dahil sa pagÂÂyaÂo ng ng former British Prime Minister na si Margaret Thatcher.
Ayon sa anak nitong si Carol Thatcher, stroke ang naging dahilan ng pagmamaalam ng tinaguriang “The Iron Lady†ng Great Britain.
Matagal na ring may sakit na dementia ang 87-year-old ex-PM na si Thatcher.
Nagpasabi na si Queen Elizabeth ng kanyang pakikiramay sa pamilya ng yumaong si Baroness ThatÂcher.
“The Queen was sad to hear the news of the death of Baroness Thatcher. Her Majesty will be sending a private message of sympathy to the family,†pahayag ng Buckingham Palace.
Ang current Prime MinisÂter ng UK na si David CaÂmeÂron ay nakidalamhati rin sa pamilyang Thatcher: “It was with great sadness that l learned of Lady Thatcher’s death. We’ve lost a great leader, a great prime minister and a great Briton.â€
Si Margaret Thatcher ang kauna-unahang Prime MiÂnister of Britain na member ng Conservative Party in 1979. Naglingkod siya hanggang 1990 bago siya buÂmaba sa puwesto para mapalitan ni Michael Heseltine.
Ginampanan pa ni Meryl Streep ang buhay ni Margaret Thatcher sa pelikulang The Iron Lady noong 2011. Napanalunan ni Meryl ang Golden Globe, BAFTA, New York Critics, London Film Critics, at Oscar best actress sa kanyang pagganap sa dating Prime Minister.
Bilang pagbigay ng respeto kay Thatcher, ang Union Flags sa Number 10 Downing Street and Parliament ay naka-half-mast.
Ang funeral ay gaganapin sa London’s St. Paul’s Cathedral with full military honors.
- Latest