^

PSN Showbiz

Hindi tatay para ’di tumanda Zaijian gustong maging kapatid si John Lloyd

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Napapansin ni Zaijian Jaranilla ang ilang mga pagbabago sa kanyang sarili mula noong magsi­mula siya sa showbusiness. “Marami po eh. Ngayon napapansin ko ’yung sarili na malaki eh dati ang liit-liit ko lang. At saka dati sobra kong kulit pero ngayon sakto lang, parang mas behaved,” natatawang pahayag ni Zaijian.

Ngayon ay pinagtutuunan ng child star ang kanyang pag-aaral lalo pa’t wala pa siyang bagong proyekto. Grade 5 na ngayon si Zaijian sa Angelicum College sa Quezon City.

“Siyempre masaya ako dahil dati karaniwang bata lang po ako pero ngayon marami na pong nakakakilala ’tapos nagpapa-picture sila. Wala pa pong bago pero katatapos pa lang ng Wansapanataym ko. Masayang-masaya ako kasi ang babait ng mga tao roon. Ang saya-saya palagi. Maganda po ’yung experience ko roon,” kuwento ni Zaijian.

Samantala, pinapangarap niyang maka­sama si John Lloyd Cruz sa isang proyekto balang araw.

“Idol ko po ’yun eh. Kung magkakatrabaho kami mas maganda siguro kung magkapatid kami kasi baka tumanda siya eh. Alam mo naman ’yun, bata pa eh,” giit ni Zaijian.

EJAY napapalapit na kay Yam

Noong Lunes ay nagsimula na sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN ang Dugong Buhay na isang obra ni Carlo J. Caparas. Pinagbibidahan ang nasabing serye ni Ejay Falcon kaya masayang-masaya ang aktor na siya ang pinagkatiwalaan upang gawin ito.

“Ang dami naming pumipila sa ABS-CBN, sa Star Magic, ’tapos isa ako sa napili. Ito ang pinakamalaking role ko, so far, pero ’di ko iniisip masyado na ako ang bida. Para sa akin, lahat ng kasama kong artista launching ito,” nakangiting pahayag ni Ejay.

Ayon sa aktor ay nabigyang katuparan na nga­yon ang kanyang pangarap na maging isang action star.

“Fan talaga ako ng action ’tapos ibinigay sa akin ngayon. Dati pangarap ko lang, napapanood ko lang, ’tapos ngayon ako na ang gagawa. Malaki ang tiwala ko sa creative team namin, sa lahat, at lalo na sa direktor namin na si Toto Natividad,” dagdag ng binata. Bagong karanasan din daw para kay Ejay ang maipareha kina Jed Montero at Yam Concepcion sa nasabing proyekto.

Magkakaroon kaya ng ugnayan sa totoong buhay sina Ejay at ang isa sa kanyang bagong leading ladies?

“Nagiging close talaga sa akin pero bago pa lang. Hindi ko masagot kung saan papunta. Basta alam ko mabait silang tao. Si Jed kasi nauna siyang i-cast. Si Yam bago lang. Siguro kulang lang ng time kay Yam pero alam ko magiging magkakaibigan kaming lahat,” makahulugang pagtatapos ng aktor. -Reports from JAMES C. CANTOS

 

AKO

ANGELICUM COLLEGE

CARLO J

DUGONG BUHAY

EJAY

EJAY FALCON

JED MONTERO

LANG

ZAIJIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with