Drama actress idinaldal ang raket ng ex-BF, pumapatol sa mayayaman na negosyanteng bading kaya mapera at nakapag-negosyo pa
MANILA, Philippines - Nagkuwento ang isang drama actress sa raket ng kanyang dating boyfriend na isang drama actor kung bakit laging maraming pera at nagkapagtayo pa ng sariling negosyo.
Naging lover pala ang kanyang ex-BF ng ilang rich gay businessmen kaya minsan ay bigla na lang itong nawawala at magpapakita na lang sa kanya pagkatapos ng isang linggo.
Kahit hanggang ngayon daw, kahit na nasa early ‘40s na ang kanyang dating boyfriend ay nababalitaan pa rin niyang may mga kasama itong mayayamang bading. Type pa rin siya kahit na may edad na.
Maalaga kasi sa katawan ang ex-BF ni drama actress. Laging nasa gym at sumasali sa mga takbuhan. Maalaga rin sa kanyang mukha at panay ang pagpunta sa derma clinic. Ang maganda pa ay hindi numinipis ang kanyang buhok kaya nagagawa pa rin ang kung anu-anong style sa buhok niya.
Sa pananamit ay wala naman ding masabi si drama actress dahil mahusay magdamit ang lalaki. Dati kasing modelo ito at maraming kaibigang designers. Minsan nga ay libre pa ang mga damit basta close siya sa isang designer na kaibigan.
Kaya ang mga bading na businessmen ay baliw na baliw pa rin sa drama actor dahil aktibo pa rin ito at laging mainit pa rin ang katawan at open sa pagiging maeksperimento. Satisfied sila sa performance ng kinokontrata kaya hindi rin bumababa ang rate kahit na nasa kuwarenta na.
Pero in fairness naman sa drama actor, may mga babae pa rin itong idini-date at kinakama. Babaero pa rin siya. Kasama lang daw sa lifestyle niya ang magpagamit sa mga madadatung na bading na willing magbayad para makasama siya sa kama.
- Latest