^

PSN Showbiz

Kathryn at Daniel inabot ng alas-sais ng umaga na magkasama sa bahay

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Noong Mahal na Araw ay nakasama ni Kathryn Bernardo ang ka-M.U. niyang si Daniel Padilla sa Subic para ipagdiwang ang kaarawan ng dalaga.

“Ako ‘yung nag-suggest talaga nun na gusto ko ‘yung may yacht, ’tapos kung sino ‘yung mga na-invite na super konti lang para matutukan ko lahat ng guests. ’Tapos ayun, ako rin naman nagpa-plan lahat so, parang hindi naman siya surprise para sa akin kasi ako ‘yung nagsabi kung ano ‘yung gusto ko talaga gawin,” nakangiting bungad ni Kathryn.

Ayon pa sa dalaga, super saya nila na parang best birthday ever na niya ’yung nag-seventeen siya. Pumunta sila ng March 25 hanggang 27 ’tapos noong 26 ng 4:00 p.m. hanggang 7:00 p.m. ay nasa yacht kami.

“Pumunta kami sa house na pinag-stay-an na­min. Doon lang kami hanggang six in the mor­ning. As in walang tulugan,” kuwento ni Kathryn.

Nakasama rin nina Kathryn at Daniel ang kani-kanilang mga kaibigan sa nasabing selebrasyon.

Shamcey nag-abroad kasama ng pamilya ng BF

Dalawang taon na ngayong karelasyon ni Shamcey Supsup ang nonshowbiz guy na si Lloyd Lee. Ayon kay Shamcey, madali talaga silang nagkagustuhan ng binata at si Lloyd na ang gusto niyang makapiling habangbuhay. Napag-uusapan na nila ang pagpapakasal.

“We’re sure naman na we’re going to be together. We’ve been talking about it pero wala pang definite. Ayoko ring pangunahan. Gusto namin, once it’s sure, saka namin sasabihin kasi mahirap naman ‘yung napag-uusapan in public tapos ’di naman pala matutuloy,” pahayag ni Shamcey. Noong nakaraang Mahal na Araw ay nakasama ng dalaga ang buong pamilya ni Lloyd sa ibang bansa upang magbakasyon.

“Nag-tour kami sa Dubai, Abu Dhabi, Sharjah. Although ‘yun lang time naming magkasama kasi inaasikaso nila ‘yung family business,” kuwento ng beauty queen.

Samantala, naalala raw ni Shamcey ‘yung mga panahon na wala pa siyang kasintahan. Naging mapili ang dalaga sa lalaki kaya medyo natagalan bago pa siya nagkaroon ng karelasyon. “Sobrang specific ng mga gusto ko. Gusto ko matangkad sa akin. Kailangan professional, graduate o minimum na college degree, mabait, family-oriented, Christian, stable. Very specific talaga,” pagbabalik-tanaw ni Shamcey.

“So, noong twenty three o twenty four years old ako nag-pray ako na, ‘Bakit gano’n? Baka wala talaga? Should I settle for something less than I want?’ Pero hindi ko kaya, kung wala, ’wag na lang.

“Sabi ko sana before ako mag-twenty five years old, makita ko na ‘yung right guy for me. I met him (Lloyd) during my birthday,” kuwento pa niya.

Sa May 16 ay magdiriwang ng kanyang ika-27 kaarawan si Shamcey.

Reports from JAMES C. CANTOS

ABU DHABI

AYON

DANIEL PADILLA

KATHRYN

LLOYD

LLOYD LEE

PUMUNTA

SHAMCEY

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with