^

PSN Showbiz

Hiniwalayan lang pala kasi sa text BF ni Bela nagtago sa takot matalakan ng kapatid ni Maxene!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Tinupad ni Neil Arce ang kanyang promise na padadalhan niya ako ng Arce ice cream.   

Si Neil ang isa sa mga producer ng Coming Soon at bumisita siya sa studio ng Startalk, dala ang mga ice cream at siyempre kasama niya ang kanyang girlfriend na si Bela Padilla na nag-promote ng Love and Lies, ang bagong teleserye ng GMA 7 na magsisimula ngayong gabi.

Biglang nag-disappearing act si Neil sa paningin ko dahil nagtago pala siya nang makita niya sa studio si Saab Magalona, ang younger sister ng kanyang ex-girlfriend na si Maxene.

Ang dinig ko, umiwas si Neil para hindi matalakan ni Saab na imbiyerna sa kanya dahil diumano ay nakipaghiwalay siya kay Maxene sa pamamagitan lang ng text message.

Hindi ko na alam ang buong detalye ng kuwento. Basta ang alam ko, naka-move forward na si Maxene dahil happy na ito sa piling ng kanyang boyfriend na si Renz Fernandez.

Andrei magaling nang magmaneho kahit menor de edad pa

Si Mama Malou Choa-Fagar ang manager ni Andrei Yllana, ang 14-year-old son nina Aiko Melendez at Jomari Yllana na live na nag-guest sa Startalk noong Sabado.

Nasa dugo ni Andrei ang pagiging artista kaya hindi nakapagtataka na type niya na sundan ang yapak ng kanyang mga magulang.

Hindi lamang ang pag-arte ang minana ng bagets dahil mahilig din siya sa kotse, tulad ng tatay niya. Sa edad na katorse, magaling magmaneho si Andrei at obsessed siya sa mga sports car.

Kahawig na kahawig ni Andrei si Aiko pero nakuha niya ang smile ng tatay niya na umapir din sa Startalk bilang suporta sa kanyang anak.

Touching ang eksena na ibinigay ni Jomari kay Andrei ang relic ni Mother Teresa at ang journal na may heartwarming dedication na “For your thoughts, for your dreams and visions for yourself in the future I promise I’ll always be a part of that future, may it be acting, modeling, producing or race car driving. Andrei, be a man of God and forever be a man for family...”

At dahil talent ni Mama Malou si Andrei, asahan natin na mapapanood natin ang bagets sa mga programa ng GMA 7 at TAPE, Inc. Malay natin, maging mainstay ng Eat Bulaga ang unico hijo nina Aiko Melendez at Jomari?                               

Christian natupad na ang duet kay Regine

Natupad na ang dream ni Christian Bautista na maka-duet si Regine Velasquez at nangyari ito kahapon sa Party Pilipinas.

First time na nag-meet nina Christian at Regine dahil nasa Amerika ito at ang mister na si Ogie Alcasid nang i-welcome si Christian sa Party Pilipinas, two weeks ago. Replay naman ang show ng GMA 7 noong nakaraang linggo dahil Easter Sunday kaya kahapon lang nangyari ang pinakaaasam na duet ni Christian kay Regine.

Marvin suportado ng TV5

Para kay Judy Magdame ng TV5 ang item na ito. Ngayon ang pilot telecast ng Karinderya Wars ng TV5. Si Marvin Agustin aka Ser Chef ang host ng luto negosyo show ng Kapatid Network na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m.

Suportado ng TV5 ang kakaibang reality cooking show ni Marvin at malinaw na ebidensiya ang full page ad sa leading newspapers ng Karinderya Wars.

 

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

ANDREI

ANDREI YLLANA

BELA PADILLA

CHRISTIAN BAUTISTA

KARINDERYA WARS

MAXENE

PARTY PILIPINAS

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with