AiAi gustong makitang buntis ng fans
Marami ang nag-aabang kung buntis nga o hinÂdi si AiAi delas Alas. Mas marami ang may gustong nagdadalantao nga ang komedyana para mas maging matatag pa ang samahan nila ng boyfriend niya.
I’m sure gusto ring magbuntis ni AiAi. Hindi lang para sa kanila ng boyfriend niya. Malalaki na ang mga anak niya, masarap yatang magka-baby. ’Di ba, AiAi?
Patrick Bergin nakapareha na sina Julia Roberts at Sandra Bullock!
Unfair naman na sabihin na hindi kilala ’yung kasamang Hollywood actor ni Dingdong Dantes sa Dance of the Steel Bars.
May malalaki ring pelikula na ginawa si Patrick Bergin, ang Sleeping with the Enemy kasama si Julia Roberts at Speed 2 kasama si Sandra Bullock. Gumanap na rin siyang Robin Hood sa isa sa tatlong Robin Hood movies na ipinalabas dito sa atin na nagtampok din kina Kevin Costner at Carey Elwes.
Comedy ni Sarah kinagat ni Angelica
Natawa raw si Angelica Panganiban nang maÂpanood ang pelikula nina Sarah Geronimo at ng boyfriend niyang si John Lloyd Cruz. In fairness sa pelikula, nakakatawa naman talaga sa It Takes a Man and a Woman si Sarah lalo na ’yung mga pagpapa-cute niya kay Lloydie.
Naganyak nga ako sa kuwento ni Vero Samio kaya nag-watch ako. Natawa naman ako. Magaling na komedyante ang Pop Princess at isang papuri ’yung matawa sa kanya ang isa ring magaling na komedyante na tulad ni Angelica.
Kylie nakapag-iwan na ng marka sa bahay ni Aljur
Pati sa bahay ni Aljur Abrenica ay inilalagay na ni Kylie Padilla ang kanyang signature o pirma. Sana nga magkatuluyan sila para hindi mauwi sa wala ang pagpapagod niya.
Going strong ang relasyon ng dalawa. Pero hindi na tamang sabihin na nade-develop si Kylie kay Mark Herras. Partners lang sila sa Unforgettable pero hanggang dun lang ang kauuwian nila. Pareho na silang taken although tila mas masuwerte ang anak ni Binoe dahil willing si Aljur na ipaayos sa girlfriend ang bahay niya.
Si Ynna Asistio ba may ganito na ring karapatan kay Mark? Just asking.
- Latest