Martir na misis ng babaerong asawa gagawin ang lahat maging buo lang ang pamilya
MANILA, Philippines - Ngayong Sabado (April 6), ibabahagi ng Magpakailanman ang isang kuwento ng babae na handang gawin ang lahat para maÂnatiling buo ang kanyang pamilya. Ito ang kuwento ni Norma Diwa na gagampanan ni Agot Isidro at mula sa direksiyon ni Dominic Zapata.
Si Norma, 40 years old, ay isang martir na asawa ng babaeÂrong si Rey (Ramon Christopher) at mapagkalingang ina sa kanilang tatlong anak na sina Michael, Mylene, at Merwin.
Bata pa lang ay naghiwalay na ang mga magulang ni Norma dahil sa pagiging babaero rin ng kanyang ama. Pinamigay naman siya ng kanyang ina. Alam ni Norma ang hirap na buhat ng isang sirang pamilÂya kaya magbubulag-bulagan na lang siya sa pambababae ng asawa. Ayaw niyang matulad sa kanya ang maÂging kapalaran ng sariling mga anak.
Ngunit ang pambababae rin ng asawa ni Norma ang magÂpaÂpaÂhaÂmak dito. Madadawit si Rey sa kabit nito, na isang drug pusher pala, kaya makukulong siya. Ngunit mangangako si Rey na hindi na mamÂbaÂbabae kaya mapapatawad na naman siya ni Norma.
Na-diagnose pa si Norma ng cancer of the uterus. Ngunit inililihim at ipinagpapasa-Diyos na lang niya ito dahil wala naman silang perang pampagamot at ayaw na niyang makadagdag pa sa patung-patong na nilang problema.
Habang tumatagal ay maraming matutuklasan si Norma na mga maling palakad sa kulungan ng asawa. Gaya na lang ng pagpapa-party sa kulungan tuwing may okasyon. Pero sa halip na silang mga misis ang iniimbita ay ang mga babaeng inmate ang pinapasama. Pinagkakakitaan pa ang nasabing party dahil may ticket ito. Iku-convert din ang mga conjugal room para gawing isolation room ng maysakit. Marami tuloy ang hindi makakagamit ng conjugal rooms at mababawasan pa ang kokonti na nga lang na pribadong oras ng mag-aasawa.
Ngunit hindi muna pinag-ukulan ito ni Norma ng pansin. Ang mahalaga sa kanya ay ang mabantayan ang asawa at palaÂgay ang loob niya na hindi na muling makaka-pambabae si Rey sa loob ng kuluÂngan.
Hanggang sa dumating ang bisperas ng Pasko ng nakalipas na taon. Tatlong sex workers ang illegal na nakapasok sa loob ng kulungan. Mahuhuli ni Norma sa akto na kaniig ng kanyang asawa ang isa sa mga bayarang-babae.
Dahil sa nadiskubre ay mapipilitan nang lumaban si Norma. IsisiÂwalat niya, kasama ng lima pang misis na may asawang nakakulong, sa opisina ng gobernador ng Bataan ang mga kaÂÂtiÂwalaan ng kulungan. Ang pinagkakatiwalaan pala nilang insÂtitusyon na may tungÂkuling ituwid ang mga nagkakasala ay siya pang baluktot na kumukunsinti sa maling gawain ng mga asawa nila.
Malalathala sa diyaryo ang nangyari kaya makakalampag na rin ang namamahala ng district jail. Sisibakin na nila ang mga tiwaling guwardiya. Magiging mahigpit na rin sila sa pagpapasok sa kulungan at iba-ban na rin nila ang tatlong sex workers.
Sa kasulukuyan ay patuloy pa rin si Norma sa paglaban sa sakit na cancer. Bigo man siya sa pagpapagamot dito ay tagumpay naman siya sa kanyang pinakamalaking laban – ang mapanatiling buo ang kanyang pamilya.
Huwag palagpasin ang tunay na kuwento ng buhay ni Norma Diwa ngayong Sabado sa Magpakailanman pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA 7.
- Latest