Kahit maraming anak Sunshine pinayuhan ang mga madir na ‘wag malosyang
Kamakailan ay muling nag-pose si Sunshine Cruz para sa isang men’s magazine. Napapayag daw ang aktres dahil hindi naman malaswa ang konsepto nito.
“Si Tito Alfie (Lorenzo, talent manager ni Shine) ang may kagagawan niyan. He texted me saying there’s an offer for me to pose for FHM kasi ako ‘yung first cover nila. After thirteen years they got me again. Pero ang FHM hindi ‘yan nagsasawa, laging may offers. Pero ako sa totoo lang, noon imposible ‘yun. Why will I do that? Wala ng reason ’di ba? Pero dumating ‘yung tamang time and Tito Alfie told me, ‘Maganda ‘yan for you.’ Sabi ko naman kay Tito Alfie, as long as payag sila sa limitations ko, walang problema sa akin. Nagkaroon kami ng pre-prod meeting. Sinabi ko, hindi naman ako mahirap kausap. Kung talagang carry ko, gagawin ko, pero kung talagang hindi ko kaya. Hindi ko kaya,†pahayag ni Sunshine. Mayroong payo ang aktres para sa mga kababaihan na tulad niyang marami ring anak. “Hindi ibig sabihin na mayroon ka ng mga anak puwede ka na magpabaya sa sarili mo. It means na ako, tatlo na ang mga anak ko, kaya ko pa rin alagaan sarili ko. What more ‘yung dalawa lang? Actually, kahit apat pa ‘yan, si Ina Raymundo ang sexy kahit lima ang anak. So, hindi rason ang pagkakaroon ng anak para magpabaya sa sarili. Alagaan natin ang sarili,†giit ni Sunshine.
Ogie tapos na sa pakikipag-away sa mga artista
Kahit abala si Ogie Diaz sa kanyang mga trabaho ay nababalanse naman niya ang kanyang oras para sa pamilya.
“Kapag inisip ko ‘yung pamilya ko, dalawang pamilya na umaasa sa akin, papasok na roon ‘yung katotohanang, ‘Huwag mong pabayaan ang trabaho mo. Mahalin mo ‘yung trabaho mo para mahalin ka rin pabalik ng trabaho mo.’ I-enhance mo pa ‘yung mga pagkakakitaan para sa pamilya mo ’tapos iingatan mo rin ‘yung kalusugan mo kasi may dalawang pamilyang umaasa sa ‘yo,†nakangiting pahayag ng writer-comedian.
Bukod sa teleseryeng ginagawa ni Ogie ay kilala rin siya sa pagbibigay ng mga maiinit na blind item sa mundo ng showbiz pero nabawasan na raw ito ngayon alang-alang sa kanyang apat na anak na babae.
“Hindi na ako masyadong nagtataray kapag alam kong ‘yung tipong may masabi lang na nakakapagtaray. Hindi ako masyadong nagtataray na kasi nga may mga anak na ako eh. Ayoko rin naman na biglang kalabitin ako ng anak ko na, ‘Daddy, sabi ng teacher ko bakit ka daw nakikipag-away?’ Paano ko i e-explain sa kanila na, ‘Anak, trabaho ko lang ‘to.’ ’Tapos sasabihin nung bata, ‘Teacher, sabi ng daddy ko trabaho raw niya ‘yun.’ So ano, trabaho niya ang makipag-away? Maloloka ako nun kaya’t hangga’t maaari ayokong makipag-away.
“Actually, marami rin akong mga nae-encounter ngayon na hindi ko na sinusulat at hindi ko na tinu-tweet na alam kong away ang ending. So kung puwedeng ayusin muna at the end of the day, nakapag-ayos ako ng problema ng mga artista,†paliwanag pa niya. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest