^

PSN Showbiz

Kahit puwede dahil walang kontrata sa TV5 Carmina walang alam sa paglipat ni Zoren sa Kapamilya

Mary Rose G. Antazo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mukhang malapit nang magkasama ang mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villaroel sa bakuran ng ABS-CBN dahil usap-usapan ang gaga­wing pag-ober da bakod nito sa Kapamilya Network. Bagama’t wala pa namang kumpirmasyon o denial ay agad sinagot ni Carmina ang isyu tungkol sa asawa.

 â€œAy, hindi ko rin alam! Kasi si Zoren, ever since, wala siyang kontrata sa mga station eh. Laging ano siya, per show. Ang sinasabi niyang pakalat-kalat siya, ’yung puwede siya rito, puwede siya ro’n.

“So, kung gagawa siya sa ABS, I guess it’s fine kasi rati naman nakagawa siya, ‘yung Agua Bendita (2010),” sambit pa ni Carmina.

Samantala, nang tanungin naman si Carmina kung may plano na ba silang sundan ang kambal na anak dahil 11 years old na sina Maverick Peter at María Cassandra, siguradong excited na ang mga ito na magkaroon muli ng kapatid.

“Naku… parang hindi na yata. Baka hindi na kasi malayo na ’yung age gap eh. Gusto ko sana kaso malayo na. We’re not really trying pero kapag duma­ting eh sige. Kung hindi naman okay lang din, ” sagot ng aktres.

Samantala, tuwang-tuwa naman si Carmina na nagagawa pa rin nilang mag-asawa na subaybayan ang paglaki ng kanilang mga anak kahit pa pareho silang abala sa trabaho.

Katunayan, napapansin nga raw ni Carmina na tila sinusundan ng bunsong anak na si Cassey ang kanyang mga yapak.

“Feeling ko, parang papunta siya roon eh kasi nagbo-voice lesson, nagdyi-G Force, nagda-dancing lesson. ’Tapos parang nabihasa na rin sa commercial.

“Kung doon siya papunta hindi ako magtataka,” sabi ni Carmina.

Suportado naman daw ng Kapamilya actress ang kanyang mga anak kung sakaling magdesisyon silang pasukin ang mundo ng showbiz.

Basta ang tanging hiling daw niya, “Mag-aral lang siya. ’Yun lang ang kundisyon ko — tapusin lang ’yung pag-aaral. ’Wag lang papabayaan ang pag-aaral.”

vuukle comment

AGUA BENDITA

CARMINA

CARMINA VILLAROEL

G FORCE

KAPAMILYA NETWORK

MAVERICK PETER

SAMANTALA

SIYA

ZOREN LEGASPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with