^

PSN Showbiz

Ryzza Mae kakayaning pasayawin ng cha-cha si Susan Roces?

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Full-pledged talk show host na ang latest child wonder ng Eat Bulaga na si Ryzza Mae Dizon simula sa Lunes, April 8.

Magsisimula na kasi ng child star sa solo show niyang Eat Bulaga Presents…The Ryzza Mae Show bago ang Bulaga. Take note na hindi lang segment ang iho-host niya kundi buong show ng 30 minutes!

Marami ang humanga sa kabibuhan ni Ryzza Mae nang ipa-host sa kanya ang Cha-Cha Rap segment ng noontime show. Eh kineri naman niyang dalhin ‘yon. So, presto, isang talk show ang iginawad sa kanya ng EB producers!

Isa nga sa malalaking showbiz personality na na-interview na ni Ryzza ay si Susan Roces. Nang malaman ito ni Manang Inday, aba, sa halip na siya ang pakainin, siya ang naghanda ng mara­ming pagkain para kay Ryzza at sa staff niya, huh! Napasayaw kaya ni Ryzza ng cha-cha ang movie queen? Panalo ’pag nagawa ’yon ng bagets!

Humanda na sa bagong putahe na ihahain ni Ryzza tuwing umaga bago ang Eat Bulaga!

 

G. Toengi pumayag sa indie film dahil sa adbokasiya sa RH Bill

Unang indie film ni G. Toengi ang Bayang Magiliw na idinirek ni Gil Portes. Napapayag siyang gawin ang movie dahil sa advocacy niyang pro-Reproductive Health Bill. Para makatulong sa pagpapalaganap ng reproductive health, nag-research siya sa Internet.

“I found Likhaan, an organization in the Philippines that helps women with the reproductive health. Ilang stage plays ang nagawa ko sa Amerika, lahat ng proceeds nun pinadala namin sa Likhaan.

“So, bago pa sumabog ang reproductive health issue, matagal na akong involved. So, nang makuha ko ’yung script, kasi marami namang akong nakukuhang scripts simula nung dumating ako, nagpapasalamat nga ako at lagi pa rin akong pinadadalhan ng scripts lalo na ng mga indie. Ito lang ang indie movie na sinabi ko, ‘I have to do this! To be part of it,” pahayag ni Giselle nang makausap ng press sa preview ng pelikula.

One year na si G. sa bansa simula nang bumalik siya at dito na manirahan kasama ang asawa’t mga anak.

 â€œMy family is here. I live with my husband. We’re very happy. We still wake up together every morning! Hahaha! My husband is a bar consultant. My children go to school here. Isang taon na rin silang nag-aaral so, marunong nang mag-Tagalog. Based na talaga ako rito!

“Hindi mawawala ’yung fact na nung nasa America ako ng twelve years, out of the whole twelve years I was in America, I never forgot that the Philippines was my home. This has always been home and I am very thankful always that when I come home I still able to act, to perform,” pagmamalaki ng aktres.

vuukle comment

BAYANG MAGILIW

CHA-CHA RAP

EAT BULAGA

EAT BULAGA PRESENTS

GIL PORTES

LIKHAAN

MANANG INDAY

REPRODUCTIVE HEALTH BILL

RYZZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with