^

PSN Showbiz

Isinabay sa birthday magaling na aktor nagpa-pictorial ng hubo’t hubad

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Tatlong PBA le­gends ang special guests ni Regine Velasquez sa Sarap Diva bukas ng umaga.

Sina Benjie Paras, Jojo Lastimosa, at Jerry Codiñera ang magpapakitang gilas ng alam nila sa kusina.

Ang misis nila ang titikim ng kanilang luto, kung aprubado o hindi.

Bukod pa riyan, may mga intriga silang sasagutin kay Regine. Pero si Benjie ay dedma sa mga patu­tsada ni Jackie Forster sa Instagram nito na obvious naman kung sino ang tinutukoy niya.

Mabuting manahimik na lang daw dahil ito pa rin ang matagal nang isyung ayaw makipagkita ng mga anak sa kanya. Desisyon naman daw ito ng mga bagets dahil may sarili na silang pag-iisip at wala na siyang magagawa.

Abangan na lang ang mga konting intriga na sasagutin ng tatlong PBA Legends sa Sarap Diva kasabay ng pagtikim ng kanilang mga specialty na lutuin.

PAK: Nakisabay na rin si G. Toengi sa mga hot momma na nagpa-pictorial ng sexy sa isang magazine.

Si G. ang cover sa April issue ng Rogue magazine pero meron siyang pinatanggal na litrato na kung saan lumitaw ang kanyang nipples.

Proud mama raw siya sa pictorial na iyon pero medyo hindi lang siya komportable na makita ang nipples pero daring na rin siya sa pictorial na iyon.

Nadala lang daw siya sa pagkuha sa kanya ng pamosong photographer na si Mark Nicdao kaya wala nang limit at pati ang nipples ay nasilip na.

Hindi naman daw isyu ito sa asawa niya na number one fan niya.

Tampok si G. sa pelikulang Bayang Magiliw na obra ni Direk Gil Portes at proud din siya sa pelikulang ito dahil isa ito sa mga advocacy niya na tumatalakay sa Reproductive Health Bill.

BOOM: Muntik nang masilayan ng mga kabadingan ang hubad na katawan ng isang magaling na aktor nang naisipan nitong magpakuha ng hubo’t hubad nang sinilebreyt ang kanyang kaarawan sa taping ng bago niyang show.

Kasama ang mga co-star na kaibigan din niya, naisipan ni magaling na aktor na magpakuha sa mga kaibigan niya ng hubo’t hubad at ipo-post daw niya sandali sa kanyang Instagram.

Mala-Justin Bieber ang drama niya na i-post ito ng ilang minuto lang at buburahin din niya. Suwerte pala kung sino ang unang makakita nito at isi-save.

Pero bago niya ito ipinoste, nakarating agad sa mga TV executive na sinumbungan ng mga staff kaya kaagad na tinawagan ito at pinigilan.

Sumunod naman si magaling na aktor para wala na lang gulo. Pero trip lang naman daw niya dahil gusto niyang ipakita ang sarili nang naka-birthday suit sa mismong birthday din.

Kung natuloy ‘yun ay tiyak na pagpipiyestahan ito ng mga kabadingan dahil delicious naman talaga si magaling na aktor!

                                                               

vuukle comment

BAYANG MAGILIW

DIREK GIL PORTES

INSTAGRAM

NIYA

PERO

SARAP DIVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with