^

PSN Showbiz

Janice mga anak lang ang gustong ka-bonding, ayaw magka-love life

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Ibang klaseng magdisiplina sa lahat ng kanyang mga anak si Janice de Belen. Hindi raw siya ang tipong istriktong ina para sa kanyang mga supling.

“Hindi ako naging masyadong istrikto kasi kung gagawin at gagawin pa rin nila, tatakas lang sila at saka mabuti na I’m very open with them. Hindi naman sobrang open, may mga bagay na open, may mga bagay na hindi. Everything is discussed,” paliwanag ni Janice.

Hilig daw ng aktres na makipag-bonding sa kanyang mga anak lalo na kapag wala siyang trabaho. “Favorite namin is to watch movies, go swimming, magbabakasyon kami together especially ‘yung isa ko graduate na ng college so, magwo-work na siya. Hindi mo na kaagad maaaya magbakasyon. So as many vacations as kaya kong isingit gagawin ko,” kuwento ng aktres.

Aminado rin si Janice na hanggang ngayon ay wala pa siyang love life at masaya siya na walang karelasyon.

“Kasi right now ‘yung priorities ko are geared towards something else. ‘Yun ang pinaka-least, kumbaga sa Top Ten priorities ko, ‘yun ‘yung nasa 11,” giit ng aktres.  

Samantala, bukas ay isang special episode ang mapapanood sa Showbiz Inside Report dahil unang anibersaryo ng kanilang programa nina Carmina Villaroel, Ogie Diaz, at Joey Marquez.

Senador Lapid tumitigas na ang dila

Naninibago si Sen. Lito Lapid sa kanyang pagbabalik-showbiz. Matagal-tagal na panahon na rin kasi mula nang iwan niya ang pag-arte upang maging isang ganap na pulitiko. Marami na raw mga pagbabago pagdating sa produksiyon ng isang proyekto katulad ng teleserye nilang Little Champ.

“Nakakatuwa na parang baguhan ako ulit na pati ‘yung camera, pati mga crew. Malaki sa produksiyon saka ang gagaling ng mga bata na kung minsan tinuturuan pa nila ako.

‘Amang Leon, mag-ensayo tayo.’ Minsan sinasabi ko, ‘Pagpasensiyahan n’yo na ako.’ Tumitigas na rin ang dila ko,” nakangiting kuwento ng senador at dating action star.

Labis daw niyang ikinatuwa nang mabalitaang ipalalabas na ang kanilang serye na halos isang taon na nilang pinaghihirapan. Araw-araw daw na inaabangan sa TFC (The Filipino Channel) ng asawa ni Senador Lapid ang Little Champ. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AMANG LEON

CARMINA VILLAROEL

FILIPINO CHANNEL

JANICE

JOEY MARQUEZ

LITO LAPID

LITTLE CHAMP

SENADOR LAPID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with