Mader may babala ngayong tag-init
MANILA, Philippines - Lalong tumindi ang init ng araw sa pagpasok ng Abril. Kaya naman, patuloy din ang pagbibigay ng summer tips sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR-TNT).
Ngayong Sabado’y magbibigay si Mader ng mga babala sa sakit sa balat na sanhi ng pagbibilad sa araw at heat stroke sa pamamasyal at paliligo sa mga dagat.
Darayo naman ang mascot ng GRR-TNT na si Chikadora sa Divisoria kung saan mabibili sa murang halaga ang mga gamit sa bakasyon tulad ng panpaligo, mga laruan, salbabida, atbp.
Itatampok din ang dalawang uri ng makatas at matamis na prutas na nagagamit na ring food supplement at napatunayang ‘di lang nakakapagpalakas kundi nakakapagpabata rin.
Una’y ang Acai Berry mula sa America na ang katas ay popular na inumin o “juice†sa mga bansang grabe and tag-init tulad ng Pilipinas. Ikalawa’y ang Mangostana (o Mangostene) na sa Bisaya itinatanim at sangkap ng kape, tsaa at kapsula na mas kilala bilang produktong MX3.
Isang masaya at makahulugang pagdiriwang ang natikman ng mga bakasÂyonista sa Golden Sunset Resort, Hotel and Spa sa Calatagan, Batangas nung Semana Santa. Ang nasabing lugar pasyalan-bakasyunan ay paraiso at sanktwaryo ng ating host-producer.
Ilan lang ang mga ito sa mga espesyal na panooring dapat abangan sa GRR-TNT na umeere sa GMA News TV tuwing Sabado alas nuwebe hanggang alas diyes nang umaga. Produksyon ito ng ScriptoVision.
- Latest