Paglimas sa bahay nila Aljur, inside job!
PIK: Sa first taping day pa lang ni Bela Padilla ay naging kumportable agad ito kay Richard Gutierrez.
Pati sina Paolo Contis at Sid Lucero ay parang kabarkada na nila agad si Bela dahil ang dali raw nitong makibagay sa mga boys. Kaya naging magaan daw lahat sa taping, at wala silang kapruble-problema. Sa Lunes na magsisimula ang Love and Lies, at kakaibang aksiyon daw ang ipapakita rito ni Richard.
Bago rin ang look nito sa bagong GMA Telebabad na tumatalakay sa buhay ng mga Navy. Nagmukhang mamahalin tuloy itong bagong action/drama series ng GMA 7.
PAK: Nung Sabado lang umalis ang magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera patungong Japan. Sa Maynila lang sila nung nakaraang Semana Santa at pagtapos nito saka sila umalis para magbakasyon ng ilang araw.
Nag-enjoy sila nang husto at nagpaka-romantic sila sa cherry blossom ng Tokyo, Japan.
Matagal na palang naplano ang bakasyong iyun, at mabuti natapos na rin daw ni Marian ang taping niya sa Temptation of Wife.
BOOM: Ayaw munang magsalita ni Aljur Abrenica tungkol sa pagnanakaw na nangyari sa kanilang tahanan sa Quezon City nung nakaraang Huwebes Santo.
Wala pang detalye kung magkano ang halagang nawala dahil under investigation pa ito. Pero naniniwala si Aljur at ang buong pamilya na inside job dahil walang nasirang pinto, pati gate ay nakitang hindi pinilit na buksan.
Pati raw sa CCTV camera ng kabitbahay nina Aljur ay walang nakitang pumasok o lumabas na tao sa kanilang bahay.
Kaya nagsisimula na raw silang mag-imbestiga para matunton kung sino ang may kagagawan.
Ayaw lang niyang sabihin kung magkano, pero napakalaking halaga raw dahil bukod sa mga gamit sa bahay, natangay din ang mga alahas ng kanyang mommy at pati dollars at ilang cash na tinago ni Aljur.
Very positive naman silang malalaman kung sino ang may kagagawan.
- Latest