Na-miss ng manonood sina Miguel at Laida Sarah pumayag na sa kissing scene!
First time ko yata ’yun na bumili ng tiket sa siÂneÂhan pitong oras pa bago ko mapanood ang isang pelikula na gusto kong panoorin. Sa bilihan pa lamang ng tiket ay halos umatras na ako dahil parang isang napakahabang linya ang kailangan kong lampasan para laÂmang mapanood ko ang It Takes a Man and a Woman, ang ikatÂlo at pang-huling serye na ng love story nina Miguel Montenegro at Laida Magtalas na nakatutuwang ginagampanan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.
Ewan ko kung gugustuhin pa ng maÂnonood na mapanood ang isa pang pelikula ng dalawa para lamang maÂlaman kung magtatagumpay o hindi ang marriage na pinasok ng dalaÂwang magsing-irog na balak magÂkaro’n ng 12 anak matapos ang kanilang naÂpaÂka-marangal na pag-iisang-dibdib sa isang wedding sa pelikula na talaga namang walang hindi kiÂkiligin kaÂpag napanood nila. Magsisilbing isang malaking bonus pa na pumayag na finally si Sarah na mahalikan ng kanyang leading man on screen at magpagulung-gulong sa kama sa kanilang honeymoon.
Talagang nakapanghihinayang kung walang naÂging hangganan ang love story ng isang mayamang lalaki at isang mahirap na babae na binigyan ng maÂtinding pagsubok ng tadhana dalawang taon makaraan nilang maghiwalay ng landas. Kinailangan pang pauwiin ng mga nakatatandang Montenegro si Laida mula sa matagumpay na gawain nito sa New York para lamang matulungan si Miggy na maisalba ang isang babasahin nila na nasa bingit ng pagkalugi at pagkawala. Ang sumunod na pagtatrabaho ng dalawa ay isang napakahirap na ehersisyo na kailangan nilang malampasan hindi lamang para hindi tuluyang mawala sa kumpanya si Miguel kundi para mapatunayan din ni Laida na naka-move on na siya sa naging paghihiwalay nila ng binata. Siyempre, sa halip na makatulong ay naging balakid pa sa tuluÂyang pagbabago ni Laida ang mga dati nilang office barkada (Matet de Leon, Joross Gamboa, at Gio Alvarez).
Hindi puro pa-cute eng mga eksena nina JLC at Sarah. Meron ding mga nakakaiyak tulad ng confrontation scene ni Sarah at ng gumaganap niyang ama sa pelikula na si Al Tantay. Pinaka-nakakakilig na eksena ’yung marriage proposal ni Miggy kay Laida sa airport na naging isang napakasaya at mala-musical na eksena para sa isang nonmusical movie. Kaaaliwan din ng tao ’yung pakikipagpaseksihan ni Sarah G. kay Isabelle Daza
Maganda ang role ni Isabelle huh! Hindi ka magagalit sa kanya kahit nagsilbi siyang kontrabida nina Miggy at Laida. Makikisimpatiya ka sa ginawa niyang pagsusuko kay Miguel kay Laida. At mas maganda ang kissing scene nila ni JLC kumÂpara sa halikan nina JLC at Sarah G.
Na-miss talaga ng manonood ang tambalang JLC at Sarah G. Hindi sila pipila ng ganun katagal para lamang manood ng isang movie na inabot ng apat na taon para magawa. Hindi naman sila nabigo. Very entertaining ang It Takes a Man and a Woman, isang feel good movie na ani Sarah ay magpapakita ng isang bagong Sarah na tulad ng character na ginagampanan niya ay stronger, fiercer, more mature, bolder, etc., etc., etc.
Richard bitbit ang buong pamilya sa world tour ng serye
Hindi lamang naman pala si Jodi Sta. Maria ang may extra baggage sa ginawang world tour ng Be Careful with My Heart nitong nagdaang Mahal na Araw. Nakasama niya ang kanyang nag-iisang anak at nagkaro’n sila bonding sa gitna ng kasagsagan ng pagpo-promote nila ng Be Careful… at pasasalamat sa lahat ng mga nanonood nito.
Nakasama rin ni Sir Chief (Richard Yap) ang kanyang maybahay at dalawang anak. Isa lamang ang puwede niyang dalhin ng libre pero hindi baleng magbayad siya ng ekstra magkasama-sama lamang silang apat na magpapamilya.
Excited si Richard na makauwi at mabalikan ang kanyang serye na inamin niyang nagbibigay sa kanya ng malaking populariad. He will miss the show terribly kapag nagwakas na ito. Pero alam niyang marami pa itong magagandang kasunod.
Isabelle hihirit pa sa Star Cinema
Ang daming nahihilig sa triathlon. Kasama na rito si Isabelle Daza. Kahit kontrabida ang role niya sa It Takes a Man and a Woman ay hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ito dahil maganda ang ibibigay sa kanyang exposure na gaya ng napapatunayan niya ngayong pinipilahan ang pelikula sa takilya.
“Hindi nga ako pinag-workshop for my role. ’Yung pagiging bago ko at green sa pag-arte ang talagang hinahanap nila for the role. Lumabas na natural ang acting ko na nagugustuhan ng manonood. Pati fans ni Sarah ay hindi ko kinakikitaan ng galit sa ginawa kong pang-aagaw kay John Lloyd sa kanya. Kaya nung hiwalayan niya ako para bumalik kay Sarah ay nalungkot sila para sa akin.
“Wish kong maganap muli sa ganun kagandang role. At with the box-office success ng movie alam kong hindi ako mahihirapang makaganap muli sa ganun kagandang role. I’m thankful sa Star Cinema for the opportunity,†anang baguhang artista.
Alex pipirma na ng kontrata sa Kapamilya
Akala ko ay ayaw magkasama sa isang kumpanya ng magkapatid na Alex at Toni Gonzaga. Pero nakatakdang maging Kapamilya ng nakababatang kapatid ni Toni. Pipirma na ito ng kontrata sa ABS-CBN.
Ginawa niya ito dahil nawawalan na siya ng proyekto sa TV5 at wala na siyang kontrata rito simula pa nung Disyembre. At dahil interesado naman sa kanya ang ABS-CBN kung kaya napapayag silang dito na lumipat sa halip na sa ibang network pa.
Coco, babae na lang ang kulang sa P70M na bahay
Hindi na ako magtaka kung magkaro’n ng bahay sa isang first class na subdivision na nagkakahalagang P70M si Coco Martin. Masipag naman siya at maraming proyekto sa pelikula, TV, at maging komersiyal. Hindi naman kaila sa lahat ang ginawa niyang pagtatrabaho para makaipon ng pambili ng sarili niyang bahay.
Ngayon naman siguro ay maaasikaso na niya ang affairs of his heart. Ang tanong, sino kayang babae ang maiibigan niya?
- Latest