Afternoon serye nina Vina at Carmina kasali sa overall top TV shows sa Pilipinas
MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na pagtaas ng national TV raÂÂtings ng hit afternoon family drama series ng ABS-CBN na May Isang Pangarap, bahagi na ito ngayon ng overall Top 20 TV programs sa bansa. Sa katunayan, base sa datos mula sa Kantar Media noong LuÂnes (Marso 25), nag-rank 17 na ang teleseryeng piÂnagbibidahan nina Carmina Villarroel, Vina MoraÂles, at ng mga Kapamilya child star na sina Larah SaÂbroso at Julia Base taglay ang 11.2% national TV ratings.
Ang katapat nitong programa sa GMA 7 na Unforgettable ay nakakuha lamang ng 7.8% national TV ratings.
Ngayong nalaman na ni Larah ang masamang ugaÂli ni Julia, magsisimula na ba kompetisyon sa daÂlawang bata? Huwag palampasin ang top-rating faÂmily dramang para sa lahat ng nangangarap, May Isang Pangarap, tuwing hapon, 2:45 p.m., pagkatapos ng It’s Showtime sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.
- Latest