^

PSN Showbiz

‘Text-text lang. Hindi naman kailangan na mag-usap:’ John at Janice nag-isnaban sa graduation ng anak!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay magkasamang dumalo sa high school graduation ng kanilang anak na si Kyla sina Janice de Belen at John Estrada.

May mga nagsasabing hindi nagkibuan ang da­ting mag-asawa sa nasabing event. Hindi pinalalampas ni John ang mahahalagang bagay para sa kan­­yang mga anak. “Yes, of course kailangang mag­sa­nib-pwersa. Text-text lang. Hindi naman kaila­ngan na mag-usap. Ayos naman mga anak namin,” paliwanag ni John.

Masaya raw sa pakiramdam ng aktor ang makitang nakapagtatapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak ni Janice. Nagtapos din ng kolehiyo ang panganay na anak nilang si Moira at elementary naman ang tinapos ng bunsong anak nilang si Yuan. “Masarap, fulfilling ang feeling dahil siyempre ‘yun ang role natin as a parent. Bigyan ng magandang edu­kasyon ang mga anak natin. Although mayroon din akong mga anak na nag-graduate ng elementa­ry at high school this year, iba ‘yung college,” sabi pa John.

Naibahagi rin niya na plano raw mag-apply ni Moira sa ABS-CBN para makapagtrabaho sa Kapamil­ya Network.

“Tinanong ko siya, ‘What’s your plan after college?’ ‘Sleep, sleep, sleep.’ Sabi niya, pahinga muna ng three to six months. Pero Moira plans to work in a network. I think she’s applying here in ABS-CBN. Communication arts graduate kasi siya,” kuwento ng aktor.

Wala magiging problema kay John kung sakaling gustuhin ng kanyang mga anak na pumasok sa mundo ng showbusiness.

“Ang maa-advise ko lang, kung gusto nila pumasok, mahalin nila ‘yung industriya at saka ‘yung trabaho nila,” giit ng aktor.

Yeng emosyonal nang bumenta ang bagong album

Naging emosyonal si Yeng Constantino nang muling makuha ang para­ngal bilang Favorite Female Artist sa MYX Awards kamakailan. Pangatlong beses na raw itong napanalunan ng singer.

 â€œSunud-sunod lang kasi ang biyaya ni God sa akin. Overwhelmed ako. Para lang akong batang binigyan ng bagong regalo. Sobrang naiiyak lang ako,” pahayag ni Yeng.

Marami raw ang tumukso sa singer nang makita siyang lumuluha sa harap ng maraming tao lalo pa’t bihira siyang maging emosyonal.

“Sobrang tough nga ako eh pero sobrang na-strike talaga ang heart ko. Sobrang gustung-gusto ko ’yung ginagawa ko na kumakanta ako, saka sumusulat ako ng kanta,” paliwanag ng dalaga.

Nagagalak din si Yeng dahil malakas ang benta ng kanyang bagong album na Metamorphosis at nag-No. 2 pa raw ito sa chart.

“Grabe! Sobrang overwhelmed po talaga ako. Sabi nila mahirap na raw makabenta ng fifty CDs ngayon sa mall show. Nakakabenta ako one hundred fifty, one hundred thirty CDs. Sobrang miracle ‘yon kahit mall shows lang. Pagkatapos ng mall show ko, ang haba ng pila. Ang daming bumibili ng album. ’Tapos nag-number two pa, over all hit chart sa malls, best selling album kasama ‘yung foreign. Hindi ko alam ang nararamdaman ko,” masayang kuwento ni Yeng. Reports from JAMES C. CANTOS

 

AKO

ANAK

FAVORITE FEMALE ARTIST

JANICE

JOHN ESTRADA

SHY

SOBRANG

YENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with