Boto ng fans kailangan... Sarah nominated sa tatlong kategorya ng World Music Awards, makakalaban sina Adele, Madonna, Celine Dion!
Pagkatapos niyang ma-nominate sa 26th NickeÂlodeon Kids’ Choice Awards, heto at nominated naman si Sarah Geronimo sa tatlong kategorya ng World Music Awards. Yup you read it right.
Nominado siya sa Best Female Artist of 2013. Makakalaban niya sa nasabing kategorya sina Adele, Beyonce, Celine Dion, Madonna at Britney Spears at iba pa.
Bukod doon, nominado rin siya para sa World’s Best Live Act kung saan makakalaban naman niya sina Psy at David Bowie at marami pang iba at World’s Best Entertainer of the year na nominado rin sina Justin Bieber and Katy Perry at iba pa.
Pinipili ang mga nominado sa World Music Awards base sa online voting at sa record sales.
Kinikilala raw ng organisasyon ang mga best selling recording artists sa buong mundo.
‘International Music Awards Ceremony honoÂring the World’s Best-Selling Recording-Artists chosen by fans!’ ang tagline ng World Music Awards.
“There is no jury involved and the Awards truly reflect the most popular artists as they are determined by the actual fans who vote and buy the records. The national member groups of the International FedeÂration of the Phonographic Industry (IFPI) provide the organization with the names of the best-selling artists from the major territories,†sabi sa kanilang website.
So dapat bumoto ang fans ni Sarah. Hanapin lang ang website na. http://www.worldmusicawards.com.
Speaking of Sarah, ibang level ang kilig factor ng pelikula nila ni John Lloyd Cruz na It Takes A Man And A Woman.
Pag pinanood mo ang movie, maiintindihan mo kung bakit emosyonal si John Lloyd sa pelikula nilang ito.
Totoo rin ang sinabi ng actor na pagkatapos mong mapanood ang pelikula, lalabas kang masaya ang pakiramdam. In fairness ‘yun ang na-feel ko pagkapanood ng movie.
Basta panoorin ninyo sa Sabado dahil palabas na ito sa mga sinehan.
Karugtong ito nang nauna nilang pelikulang A Very Special Love at You Changed My Life.
Bukod sa Graded A ito ng Cinema Evaluation Board (CEB) na ibig sabihin ay 100% tax rebate, rated G din ito ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Meaning puwede itong mapanood ultimo ng mga bata.
Bonggang mga alahas ni Julia sa kanyang debut gawa ng Miladay
Gawa pala ng Miladay Jewels ang sosyal at bonggang dangling earring at bracelet na suot ni Julia Montes sa kanyang magical debut last March 19, 2013 na ginanap sa Fernwood Garden. Pansin na pansin ang mga nasabing alahas ng Miladay na sumakto sa kanyang beige masterpiece gown ni Pepsi Herrera with a sweetheart necklace and a poufy skirt.
Ang nasabing earring with 70 rose cut diamonds and 8.78 carat bracelet ang lalong nagpakinang kay Julia bilang isang dalaga na.
Ang ganda-ganda naman daw kasi talaga ni Julia nang gabing ‘yun as in she looked every bit the enchanting princess as she descended on a moving swing amidst a chorus of violinists and flutists while singing The Climb by Miley Cyrus.
Naging partner ni Julia ang ka-loveteam na si Coco Martin.
The party was inspired by the magical theme of Shakespeare’s A Midsummer Night’s Dream.
Star Cinema at Disney Movies at Live Nba games ngayong holy week sa Studio 23
Mag-Holy Week na kasama ang pamilya at ang Studio 23 dahil handog ng Kabarkada Network ang mga programang tiyak na pasok sa panlasa ni inay, itay, kuya, ate, at ni bunso.
Muling matutunghayan nina Mommy at ng girls ang classic barkada movie na Gimik: The Reunion ngayong Huwebes (Mar 28) at sabay-sabay na kakikiligan ang hit romantic movie na Got 2 Believe sa Biyernes (Mar 29), 2:00 PM hanggang 4:00 PM.
Sagot naman ng Studio 23 Presents ang mga chikiting dahil hindi lang isa o dalawa, kung hindi tatlong Disney flicks ang mapapanood nila tuwing gabi.
Ngayong Huwebes Santo, tunghayan ang Starstruck sa ganap na 4:00 PM, na susundan ng comedy thriller na That Darn Cat, 5:45 PM; at ang adventure movie tungkol sa asong si Benji sa Benji the Hunted, 7:45 PM.
Samantala, pumasok naman sa mundo ng pantasyang hatid ng Disney Original Movie na Avalon High, 4:00 PM; maki-bonding kina Woody at Buzz Lightyear sa Toy Story at Toy Story 2 mula 6:00 PM hanggang 10:00 PM; at masabik sa epic film na The Chronicles of Narnia: Prince Caspian, 10:00 PM sa Good Friday.
Hindi naman pahuhuli si Daddy at ang boys dahil mapapanood nila ang inaabangang NBA games live. Panoorin ang banggaan ng Oklahoma City Thunder kontra Washington Wizards ngayong Huwebes mula 8:00 AM hanggang 11:00 AM at ang Los Angeles Clippers kontra San Antonio Spurs live sa Sabado (Mar 30) mula 8:30 AM hanggang 11:00 AM na may replay sa parehong araw ng 9:30 PM.
- Latest