^

PSN Showbiz

Presidente Noynoy hindi nag-out of town, manonood lang ng Jesus Christ Superstar ngayong Semana Santa

SVA - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Manood ng pelikula tungkol sa pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo ang balak ni Pangu­long Benigno S. Aquino III ngayong Mahal na Araw.

Say ni P-Noy sa  Bahay Pangarap lang sa Presidential Security Group Compound na kanyang opisyal na tahanan siya maglalagi ngayong Semana Santa. Sinabi niya ito kahapon sa interview sa kanya nang maglibot siya sa mga bus terminals para personal na tingnan ang kalaga­yan ng mga bakasyu­nis­tang lalarga sa kani-kanilang probinsiya.

 â€œHinahanap ko ang aking  kopya ng Jesus Christ Superstar. Hindi ba hindi ito mas­yadong  heavy sa paraang pagpapaalaala sa atin kung ano ang ating pa­na­nalig na  Kristiyano at kung gaano kalaking pagpapakasakit na ginawa ni Kristo para iligtas ta­yong lahat,” wika pa ng Pangulo.

Cast ng Whattamen, magre-reunion sa jeepney tv, may bukas pa mapapanood uli

Muling pagsasama-samahin ng Jeepney TV ang mga bida ng comedy hit series na Whattamen na sina Dominic Ochoa, Marvin Agustin, Vhong Navarro, John Pratts, Aiai de Las Alas, at writer nitong si Jose Javier Reyes sa Whattamen: Reunited, ang unang proyektong ipinrodus ng cable channel.

Makalipas ang sampung taon mula nang magtapos ang programa, ibabahagi ng cast ang kanilang mga pinakamasasayang karanasan at pinakamati­tinding pagsubok na pinagdaanan sa harap at likod ng camera sa sitcom na inere sa loob ng halos apat na taon.

Napanood sa Whattamen ang hindi malilimutang saya at katatawanang hatid ng grupo nina Rico Yan, Marvin at Dominic na mas minahal pa ng publiko sa noontime show na Magandang Tanghali Bayan.

Sa nalalapit na death anniversary ni Rico, sasariwain din nina Marvin at Dominic ang masasayang ala­ala nila kasama ito pati na ang nakabibiglang pagpanaw nito.

Sa direksyon ng beteranong director na si John-D Lazatin, inere ang sitcom mula 2001 hanggang 2004. Tungkol ito sa kwelang barkadahan nina Cas­tro (Rico), Matti (Marvin) at Ernest (Dominic na tumira sa iisang bahay kasama ang kanilang tiyahin na si Vicky (Aiai delas Alas). Napapanood ang Whattamen sa Jeepney TV tuwing Martes, mula 7:45 p.m. hanggang 9:45 p.m.

Abangan din ang pagbabalik ng hit drama series na  May Bukas Pa na pinagbibidahan ng Kapamil­ya child wonder na si Zaijan Jaranilla.

Mapapanood ito sa SkyCable Channel 69 at iba pang nangungunang cable operators sa bansa. Si­mula Abril 1, ay mapapanood na ang Jeepney TV sa Channel 9. Masusubaybayan din ang Jeepney TV sa Studio 23 tuwing Lunes hanggang Biyernes,  11:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

AIAI

BAHAY PANGARAP

BENIGNO S

DOMINIC

DOMINIC OCHOA

MARVIN

SHY

WHATTAMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with