Cebuana diva Chadleen, wagi sa Kanta Pilipinas
MANILA, Philippines - Ipinakilala na si Chadleen Lacdo-O bilang kauna-unaÂhang grand winner ng ground-breaking reality singing search ng TV5 – Kanta Pilipinas noong Linggo, Marso 24. Bilang premyo, ang nasabing Cebuana diva ay nagkamit din ng grand prize na PhP 1M cash, recording contract at management contract sa TV5.
Mula sa mga hopefuls na nanggaling sa iba’t ibang probinsya, 24 na may pinakamagagaling na boses ang naglaban-laban upang mapabilang sa Top 12. Bawat linggo, iba’t ibang pagsubok ang hinarap ng mga finalists hanggang sa mapili ang Top 8. Iba’t iba’t ibang experts din mula sa music industry ang kanilang nakatrabaho. Dumaan din sila sa mabusiÂsing deliberation mula sa Kanta Pilipinas host Rico Blanco at judges “Maestro†Mr. Ryan Cayabyab, at Asia’s Nightingale Ms. Lani Misalucha. Apat lamang mula sa Top 8 ang nakasama sa grand finals kung saan naparangalan si Chadleen.
Pinakita ni Chadleen ang kanyang galing sa pagkanta sa mga naging performances niya sa Kanta Pilipinas at pinatunayan rin niyang mayroon siyang kakaibang maihahandog sa musikang Pilipino. Sa kanyang taglay na ganda, sino ang mag-aakalang si Chadleen ay ipinanganak na may cleft palate? NaoÂperahan si Chadleen noong 20 months old palang siya. Makalipas ang apat na taon, naging ambassador si Chadleen ng Operation Smile. Bilang grand winner ng Kanta Pilipinas, nagsisilbing inspirasyon si Chadleen sa marami upang tuparin ang minimithing pangarap.
“Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa pagkakaloob sa akin ng talento at sa lahat ng taong sumuporta sa akin sa Kanta Pilipinas. Isa pong karangalan na maitanghal bilang grand winner ng kauna-unahang reality singing search ng TV5. Sana ay na-inspire ko ang mga kabataan na ipagpatuloy nila ang kanilang mga pangarap sa kabila ng mga pagsubok na kanilang pinagdadaanan at palaÂging maniwala sa sarili,†kuwento ni Chadleen.
- Latest