^

PSN Showbiz

Ryza Cenon tumira ng shabu at nagbenta ng anak!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibang klaseng Ryza Cenon ang inyong mapapanood sa dara­ting na Mahal na Araw sa GMA 7. Patutunayan ng Starstruck survivor na hindi lang pagsayaw ang talent niya — na may ibubuga rin siya pagdating sa mabigat na akti­ngan.

Bibida si Ryza sa Holy Week Special ng CBN Asia na Tanikala 5 sa episode na pinamagatang Liwanag sa Dapithapon. Gagampanan ni Ryza ang true-to-life story ni May Montealegre, isang babaeng adik sa shabu, naging prosti, at isang batang inang ibinenta ang sarili niyang anak.

Ayon kay Ryza, first time niya na gaganap sa ganito kabigat na role at aminado ang aktres na nahirapan siya.

“Sobrang challenging ng role ko kasi wala akong bisyo. So, hindi ko alam ’yung pakiramdam kung ano ang epekto ng shabu at ng yosi. ’Di ko rin alam kung ano ang feeling ng magka-boyfriend na adik din at kung ano ang nangyayari sa loob ng isang bar. So, mahirap,” pahayag ng aktres sa karakter ni May.

Nang tanungin kung saan niya hinugot ang emosyon, sinabi ni Ryza na iniisip na lang niya ang kanyang mga alagang aso at ang mga malulungkot na pangyayari sa buhay niya.

“Kahit mag-imbento ako ng e­­mos­yon, iba pa rin ’yung talagang na-experience mo siya,” pag-amin ni Ryza.

Abangan ang natatanging pagganap ni Ryza Cenon sa isang ma­­kabagbag-damdaming kuwento ng pagbabago sa Tanikala 5: Liwanag sa Dapithapon. Mapapanood sa March 28, Huwebes Santo, 5:00-6:30 p.m., sa GMA 7.

Ang Liwanag sa Dapithapon ay mula sa pa­nu­lat ni Gin Sardea at sa direksiyon ni Derrek Adapon. Para sa karagdagang impormasyon, i-like ang aming Facebook fanpage, www.facebook.com/tanikalatv.

 

ANG LIWANAG

DAPITHAPON

DERREK ADAPON

GIN SARDEA

HOLY WEEK SPECIAL

HUWEBES SANTO

RYZA

RYZA CENON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with